Anak nina Ellen at Lloydie laging nakatakip ang mukha sa litrato
Marami ang nagtatanong kung bakit palagi raw tinatakpan ang mukha ng anak ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.
When Ellen and her close friend Beauty Gonzalez went to Bangkok, Thailand, marami ang nakapansin na tinakpan ng Kadenang Ginto actress ang mukha ng anak ni Ellen sa Instagram photo.
Kasama ni Beauty ang anak niyang si Olivia Ines sa trip nilang iyon. Sa social media, ang daming nagtatanong kung bakit may cover ang mukha ng anak nina Ellen at John Lloyd Cruz.
Unang-una, bata pa i-yong baby para i-expose sa social media. Siyempre, kahit na nasa public place sila Ellen ay gusto pa rin niyang hindi maging fami-liar ang mukha ng kanyang anak sa publiko.
Ano naman ang masama kung palaging naka-cover ang mukha ng anak ni Ellen sa social media? Wala naman, ‘di ba? Siguro ay nag-iingat lang si Ellen para sa kanyang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.