Alden sa pagsugod ng mga tao sa sinehan kahit bumabagyo: Iba si Lord! My heart is full…
WALANG pakialam ang mga tao sa malakas na ulan nu’ng Huwebes dahil hindi ito naging hadlang para sumugod sila sa mga sinehan kung saan palabas ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye”.
Certified blockbuster hit na ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil patuloy pa rin itong pinipilahan ng mga manonood sa kabila ng malakas ng pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.
Sa press releases ng Star Cinema na naka-post sa social media, lumampas na sa P100 million mark ang kinita ng “HLG” sa loob lang ng tatlong araw at pataas pa ito nang pataas.
Inunang pasalamatan ni Alden ang Diyos sa patuloy na pagtangkilik ng publiko sa movie nila ni Kath at siyempre abot-langit din ang pagpapasalamat niya sa lahat ng mga nanood sa “HLG”.
Kasunod nito ang pasasalamat ng Pambansang Bae sa lahat ng nakasama niya sa pelikula pati ang mga taong naging bahagi ng produksyon.
Sa Instagram account naman ni Ai Ai delas Alas i-pinakita niya ang pagbili ng tickets para panoorin ang movie kasama ang buong pamilya bilang suporta sa anak-anakang si Alden.
Sa IG naman ng Pambansang Bae, ini-labas niya ang fotos niya sa Hong Kong pati ang pag-sakay sa train para pumunta sa unang location ng kanilang shooting.
Pinasalamatan din niya sina direk Cathy Garca Molina at direk Olivia Lamasan na naging dahilan para mapili siyang gampanan ang character niyang si Ethan.
Sa pagsugod ng tao sa mga sinehan kahit malakas ang ulan, saad ni Alden, “Iba si Lord. Thank you for braving the rain to watch our film, but ingat po kayong lahat. I see your messages and stories – my heart is full of gratitude.”
Kung magpapatuloy ang pagtabo sa takilya ng “Hello, Love, Goodbye” hindi imposibleng wasakin nito ang lahat ng box-office record sa takilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.