NAGPALIWANAG si Arci Muñoz sa naging pahayag niya noon sa 2017 guesting niya sa Gandang Gabi Vice kung saan sinabi niyang hindi siya mabibiktima ni Gerald Anderson.
Natanong siya ni Vice kung hindi raw ba sila magiging mag-ex ni Gerald na sinagot ng aktres ng, “Hindi ako mabibiktima.”
“Joke ko lang ‘yon kasi never ko talagang naisip na magjojowa ako ng artista. ‘Pag nakikita ko silang lahat, para ko silang brothers,” ang depensa ni Arci.
Na-shock nga raw siya nang madamay siya sa isyu nina Gerald, Bea Alonzo at Julia Barretto, “Hindi nga ako aware kasi wala naman ako Twitter, so parang nagta-tag sila sa akin ng Instagram.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.