Julia negang-nega sa publiko; Star Magic dedma lang | Bandera

Julia negang-nega sa publiko; Star Magic dedma lang

Cristy Fermin - July 31, 2019 - 12:50 AM

GERALD ANDERSON AT JULIA BARRETTO

Sa mga nagaganap ngayon sa kanyang lovelife ay malaki ang magiging epekto kay Julia Barretto ng kontrobersiya. Maging ang mga TVC na ginagawa niya ay siguradong maaapektuhan ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.

Hindi ganu’n kasimple ang mga nangyayari ngayon sa young actress, tinatawag siya sa iba-ibang pangalan, negatibo ang dating ngayon ni Julia sa publiko.

Ewan kung anong damage control ang maiisip na gawin ng Star Magic sa isyung kinasasangkutan nila nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, sa pagkakaalam ng mga impormanteng nakausap namin, hindi makikialam ang network sa pinagpipistahang kuwento ngayon.

Nakakaawa rin si Julia sa isang banda, maaaring pinapaniwala siya ni Gerald na totoong tapos na ang lahat sa kanila ni Bea, kaya naman pumasok sa ganitong sitwasyon ang dalaga.

Kaya lang ay nabutasan siya, hindi pa pala break sina Gerald at Bea, napakalakas na bombang sumabog ang balitang ‘yun sa mukha ni Julia.

Kung bakit naman nataon din ang pakikipaghiwalay niya kay Joshua Garcia pagkatapos nilang magkasama ni Gerald sa Japan, sumakto ‘yun sa balitang nagkakamabutihan na sila ni Gerald, naiwang nakanganga si Joshua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending