Misis ni Calvin Abueva kumpleto sa ebidensya; tuloy na ang demanda | Bandera

Misis ni Calvin Abueva kumpleto sa ebidensya; tuloy na ang demanda

Ambet Nabus |July 30,2019
facebook
share this

Misis ni Calvin Abueva kumpleto sa ebidensya; tuloy na ang demanda

Ambet Nabus - July 30, 2019 - 01:05 AM

CALVIN ABUEVA

MATAPOS maglabas ng video ang asawa ni Calvin Abueva hinggil sa umano’y pangmamaltrato at pang-aabuso sa kanya sa loob ng siyam na taon, agad namang dumepensa ang kontrobersyal na PBA player.

“In na in” sa balita ang sika na cager na minsan na ring naugnay kay Vice Ganda dahil bukod sa suspensyon nito sa PBA, posible ring matanggalan si Abueva ng pagkakataong makabalik sa professional league dahil sa paglalaro nito sa isang paliga ng barangay (with pay, ha!).

Isa nga ito sa naikuwento ng asawa niyang si Sam Abueva na ginawa pa raw rason ang birthday ng kanilang anak para mabayaran nang malaki sa naturang liga ng barangay. Well, according to our source, P90,000 ang nakuhang talent fee ni Calvin sa isang basketball game na ‘yun sa Montalban, Rizal.

Ito ngayon ang iniimbestigahan ng mga official ng PBA at mismong ng team ni Abueva.

Nanganganib ding matanggalan ng lisensya ng GAB (Games and Amusement Board) si Abueva dahil sa mga iskandalong kinasasangkutan nito ngayon.

Kaya kung ang depensa ni Calvin na gawa-gawa lang ng kanyang asawa ang lahat ng akusasyon nito laban sa kanya using his old Instagram account, may mga video raw si Sam na nasa abogado na niya ngayon at kasama sa ipiprisinta nilang ebidensya sa korte.

May tsika pang marami siyang witness at record sa mga barangay na kanilang tinirhan dahil palipat-lipat nga sila ng bahay noon.

Isang matinding alegasyon ng “panlalalaki” naman laban sa asawa ang ibinatong sagot ni Calvin na naninindigang matagal na niya itong hiniwalayan.

O, di ba, pang-teleserye talaga ang mga eksena. Saan kayang episode papasok ang karakter ni Vice Ganda sa kuwento?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending