Mariz Umali regular nang mapapanood sa Unang Hirit | Bandera

Mariz Umali regular nang mapapanood sa Unang Hirit

- July 29, 2019 - 12:05 AM


OPISYAL nang katropa ang Kapuso broadcast journalist na si Mariz Umali ng longest running morning show sa bansa, ang Unang Hirit.

“Noong una, hindi ako makapaniwala. Hindi ko rin talaga naisip na mapupunta ako dito kasi ‘yung mundo ko puro balita lang — kaya hindi ko na-imagine na makukuha ako rito.

“Pero noong sinabi sa akin ng mga boss na magiging part na ako ng Unang Hirit barkada, I am very grateful kasi siyempre ang hosts and anchors ng UH ay matagal ko nang mga kaibigan — and this time makakasama ko na sila sa isang programa kaya ang saya lang talaga,” ani Mariz.

Mariz has been a Kapuso for 17 years already, joining GMA Network right after getting her BA Broadcast Communication degree from the University of the Philippines Diliman. She anchored and hosted several GMA and GMA News TV shows and specials such as Balitanghali Weekend, Pamana: Saving Our Heritage, Brigada, News TV Live, Kape at Balita, Born to be Wild, and iWitness, among others.

Kamakailan, itinanghal siyang Best Female Field Reporter sa 2019 Gawad Tanglaw. Throughout her career, her most memorable coverage was the Double Canonization of St. John Paul II and St. John XXIII in Vatican. Mariz is a veteran of hard news reporting, having been stationed to the Malacañang and PNP beats.

“I love that I am able to help other people through the stories that we do, na kahit hindi ako personal na makapagbigay ng tulong sa kanila, nailalapit ko sila sa agencies na makakatulong sa kanila. In a sense, feeling ko calling din ito or vocation. I’ve been doing this for the past 17 years since pagka-graduate ko,” chika pa ni Mariz.

Ano ang ie-expect ng Kapuso viewers sa pagiging regular niya sa UH? “Dito, talagang mas lalabas ang tunay na personality ko kasi ang hindi alam ng mga manunuod natin ay sa kabila ng seryosong mukha ko sa pagbabalita ay talagang bungisngis ako.

“Ako ang tagatawa sa mga joke ng mga tao, kahit corny tinatawanan ko. And hindi rin nila alam na sobrang mahilig akong kumanta at sumayaw,” lahad pa niya.

Samahan si Mariz Umali at ang iba pang miyembro ng UH barkada —Arnold Clavio, Rhea Santos, Ivan Mayrina, Susan Enriquez, Connie Sison, Suzi Abrera, Lyn Ching-Pascual, Lhar Santiago, Love Añover, and Luane Dy, as well as Nathaniel “Mang Tani” Cruz, Atty. Gaby Concepcion at Mareng Winnie Monsod — mula Lunes hanggang Biyernes, 4:55 a.m. sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending