'Sahaya' nina Bianca at Miguel lumalaban kontra-bully | Bandera

‘Sahaya’ nina Bianca at Miguel lumalaban kontra-bully

|July 29,2019
facebook
share this

‘Sahaya’ nina Bianca at Miguel lumalaban kontra-bully

- July 29, 2019 - 12:01 AM


PATINDI pa nang patindi ang mga eksena sa pinag-uusapang GMA Telebabad series na Sahaya (after 24 Oras), starring Bianca Umali, Miguel Tanfelix and Migo Adecer.

Pagkatapos mag-trending ang dancing mermaid episode ni Bianca bilang si Sahaya, tuwang-tuwa naman ang Kapuso viewers sa pagiging palaban ng dalaga sa kanilang school.

Feel na feel ng BiGuel fans ang paglaban ni Sahaya sa mga nambu-bully sa kanya sa eskwelahan. Tama lang daw ang ginawa ng dalaga na sabunutan at ilampaso ang mga nambabastos sa kanya lalo na’t wala naman siyang kasalanan sa mga ito.

Sabi nga ng ilang nanay na nakatutol gabi-gabi sa Sahaya kung anak nila si Sahaya, magiging proud din sila rito at talagang ipagmamalaki pa nila ang katapangan nito.

Bukod dito, inaabangan na rin ng manonood kung paano naman babangon at lalaban ang nanay ni Sahaya na si Manisan (Mylene Dizon). Sana raw ay matuto na rin itong ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga kontrabida sa buhay nila, lalo na sina Irene (Ana Roces) at Salida (Snooky Serna).

Samantala, nanganganib din ang buhay ng nanay ni Ahmad (Miguel) matapos ipadukot ni Hubert (Eric Quizon). Hanggang saan aabot ang galit ni Ahmad at ano ang kaya niyang gawin para iligtas ang ina?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending