Joshua dedma muna sa mga babae: Trabaho po muna ako
NATANONG si Joshua Garcia sa presscon ng The Killer Bride kung ano na ang state ng kanyang kalagayan after the controversial Julia Baretto-Gerald Anderson brouhaha.
“Ako po ay okay na okay po ako,” the actor quipped.
Kinumusta siya kung paano niya hina-handle ang unos sa kanyang buhay. Without referring to the Julia-Gerald controversy, sumagot naman ang actor.
“Ah. Masaya lang po ako kasi ngayon. Kumbaga, haharapin ko siguro ‘yung araw ng siguro passion ko sa trabaho kasi puro trabaho lang ako recently. So, malayo ang isip ko, nasa trabaho,” say niya.
Sa social media ay puro message of concern ang ipinaabot ng fans ng actor.
“Kaya mo yan Josh!!! God bless.”
“God bless to all of you Idol Joshua basta isipin mo lagi maraming nagmamahal sayo naka support kami for you dati I am a fan of JoshLia. Move on na Josh matalino ka at magaling na actor find someone much better girl for you. God bless love you always.”
“Kaya mo yan Josh laban lang. Hanap ka na lang ng babaeng mas totoo kang mamahalin.”
Maganda ang role ni Joshua sa The Killer Bride. Siya ay isang bagets na na-in love sa character ni Janella Salvador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.