Maine sumakay sa motor para umabot sa concert ng LANY; umangkas nga ba kay Arjo? | Bandera

Maine sumakay sa motor para umabot sa concert ng LANY; umangkas nga ba kay Arjo?

Jun Nardo |July 26,2019
facebook
share this

Maine sumakay sa motor para umabot sa concert ng LANY; umangkas nga ba kay Arjo?

Jun Nardo - July 26, 2019 - 12:24 AM

 

WALANG takot na sumakay ng motor si Maine Mendoza nu’ng Miyerkules nang gabi para makaiwas sa traffic sa Manila.
Talagang nag-effort ang Eat Bulaga Dabarkads para lang makarating nang maaga sa Mall of Asia Arena para manood ng concert ng LANY.

Eh, malungkot nu’ng una si Meng dahil nagkaroon siya ng biglaang taping kaya feeling niya hindi na siya makalapanood ng concert.

“Nakipag unahan ako na bumili ng LANY tickets noon tapos may biglaang taping ngayon. Ang shaket shaket. Enjoy sa lahat ng pupunta tonight, I-hi niyo na lang ako kay @pauljasonklein #MalibuNightsMNL,” unang tweet ni Meng.

Pero tila natapos naman agad ang mga eksena niya sa taping kaya sa next tweet niya, “Magtataping pero hindi susuko! Dibale nang dugot basta #LabanLANY!!!” Sinamahan pa niya ng litrato ang tweet na may suot na helmet.

Sa kanyang Instagram Stories, may video siya habang bumibiyahe papuntang SM MOA at nagawa pa niyang magpakuwela sa emote ng face niya, huh! Sa kanyang IG post, nakasaad ang “Para kay @thisislany.”

Feeling niya nang matapos ang concert, “Nairaos! Pakiramdam ko may hinabol akong jowwa na paalis ng bansa. Iba kayo @thisisLANY! Hindi koi to nagawa kay Chris Martin..baka magtampo. Anyway you are always amazing! Thanks or giving a real show! Til the next.”

Take note, hindi nag-iisa ang Phenomenal Star sa panonood ng concert dahil nakuhanan sila ng picture ni Arjo Atayde na nasa audience, huh! Sa isang picture na nakita namin eh, may suot ding helmet at kapote si Arjo!

So, ang paniwala ng fans ni Maine si Arjo ang nag-drive ng motor at umangkas si Maine para sabay na silang magpunta sa MOA. Ganoon ba ‘yon?

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending