Kris: Tumulad tayo sa pagka-authentic ni Presidente Duterte | Bandera

Kris: Tumulad tayo sa pagka-authentic ni Presidente Duterte

Ervin Santiago - July 24, 2019 - 09:41 PM

“NAPAHANGA niya ako!”

‘Yan ang ibinandera ni Kris Aquino patungkol sa nakaraang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Instagram account.

Ayon sa Queen of All Media, kapuri-puri ang pagiging totoo ng Pangulo at sana’y tularan ito ng lahat ng nasa gobyerno pati na ng mga Filipino.

Umani naman ng magkakaibang reaksyon ang IG post ni Kris, may sumang-ayon sa kanya pero marami rin ang kumontra, lalo na ang mga Dilawan na galit na galit pa rin kay Digong.

May ilang netizens naman ang nagsabi na hanga sila sa katapangan ni Kris dahil kahit na alam niyang iba-bash siya ng mga DDS o mga supporters ni Duterte ay nag-post pa rin siya para ipaalam sa madlang pipol ang kanyang saloobin sa mga nangyayari sa bansa bilang isang mamamayan ng Pilipinas at isa sa mga top taxpayer ng bansa.

Narito ang kabuuan ng IG post ni Kris matapos mapanood nang buo ang ikaapat na SONA ng Pangulo: “I watched the SONA in full. Bakit si President Duterte kayang bigyang halaga ang hinaing ng lahat ng mga tao? Sa malalang traffic? Sa mahirap na pagbayad sa SSS, Pag-Ibig, Customs etc? 

“Umaksyon sya at tinanggal yung mga palpak at corrupt sa Philhealth. Sinabihan tayo na pag may nakitang mali, karapatan nating mag reklamo at mag ingay dahil tayo ang nagpapa sweldo at nagpapa-andar sa gubyerno. 

“Bakit yung pinaka makapangyarihan kayang umamin sa taong bayan na marami pang dapat ayusin? Matapang na umamin in 35 years sya mismo nahirapang labanan ang corruption. Napahanga nya ko… 

“Kaya sana, tumulad na lang tayo sa pagka AUTHENTIC ni presidente Duterte, hindi nagyayabang, direcho magsalita. We keep saying we deserve a better country, that starts with accountability. We can have a better ???? BUT that starts with us. #krisfeels.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending