Libreng documentary requirements para sa mga first time jobseekers | Bandera

Libreng documentary requirements para sa mga first time jobseekers

Liza Soriano - July 24, 2019 - 12:15 AM

NAGLABAS ang Department of Labor and Employment, kasama ang 18 iba pang ahensiya ng pamahalaan, ng patakaran para sa First Time Jobseekers Assistance Act na naglalayong tulungan ang mga first time jobseeker na makakuha ng libreng pre-employment documents.

Hindi na babayaran ng mga first-time jobseeker ang mga dokumento at clearance na iniisyu ng pamahalaan. Mabebenepisyuhan ang may 1.3 milyong gradweyt kada taon na naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon.

Sa paraang ito tiyak na mababawasan ang pinansiyal na alalahanin ng mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon para sa kinakailangang pre-employment documentary requirements, at makakuha ng disenteng trabaho sa maigsing panahon.

Bagaman P3 bilyon ang mawawala sa pamahalaan, “naniniwala ang pamahalaan na babalik ang puhunang ito ng doble o triple sa pagkakaroon ng produktibong manggagawa.”

Nakasaad sa IRR ang papel ng bawat barangay sa pagbibigay ng barangay certification para sa mga first time jobseekers, ang Department of Information and Communications Technology sa pagbubuo at pangangasiwa ng First Time Jobseekers database, ang DOLE sa pamumuno sa Inter-Agency Monitoring Committee, at lahat ng iba pang ahensiya para sa one-country team approach, sa pag-uulat ng bawat ahensiya sa implementasyon at pagpapatupad ng nasabing panukala.

Sa ilalim ng RA 11261, lahat ng government agencies and instrumentalities, kasama ang government-owned and controlled corporations, local government units, at government hospitals ay hindi kokolekta ng bayad mula sa first time jobseeker, para sa kanilang aplikasyon at pagbibigay ng kanilang lisensiya, proofs of identification, clearances, certificates at iba pang dokumento na karaniwang kinakailangan para sa kanilang pagtatrabaho dito o sa ibang bansa.

Isang beses lamang ito puwedeng pakinabangan ng first time jobseeker, at Isang kopya lamang sa bawat dokumento o transaksiyon.

Para matanggap ang nasabing benepisyo, kailangan na ang aplikante ay Filipino, at aktibong naghahanap ng trabaho, lokal o sa ibang bansa, sa unang pagkakataon at sinertipikahan ng barangay kung saan sila ay residente.

Kinakailangang kumuha at isumite ng aplikante ang Barangay Certification kung saan nakasaad na siya ay first time jobseeker at residente ng Barangay nang hindi bababa ng anim na buwan.

Ang benepisyo ay balido sa loob ng isang taon mula sa petsa ng inisyu ang Barangay Certificate.

Ang first time jobseeker ay maaaring nagtapos ng associate degree o ng bachelor degree, nagtapos ng technical-vocational course, o high school graduate na nakakumpleto ng K-12 program.

Maaari ring tumanggap ng nasabing benepisyo ang mga out-of-school youth, mga walang trabaho o hindi sumasailalim sa education o training, mga estudyante na naka-leave of absence, o sinuman na nagnanais magtrabaho habang naka-enrol sa alinmang paaralan, kolehiyo, unibersidad, o learning institution.

Kabilang sa mga government transactions ang barangay certification at clearance para sa first time jobseekers; police clearance; NBI clearance; medical certificate mula sa public hospitals, maliban sa laboratory test at iba pang medical procedures na kailangan sa pagbibigay ng medical certificate; birth at marriage certificate; transcript of academic records, certificate of graduation/completion, at/o diploma na inisyu ng state at local universities and colleges; at Taxpayer’s Identification Number.

Ang iba pang documentary requirements na sakop nito ay CSC Certificate of Eligibility; PhilHealth ID; POEA Certificates; Mayor’s Clearance issued by Business Processing and Licensing Office; Prosecutor’s Clearance; Municipal and Regional Trial Court’s Clearances; MARINA Certificates; at TESDA National Certificates at Certificates of Competencies para sa mga sumailalim sa Competency Assessment ng TESDA.

Magkakabisa ang IRR 15 araw matapos itong maipalathala sa Official Gazette o sa pahayagan na may malawak na sirkulasyon.

Sinabi ni Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay na may mga one-stop-shops na sa buong bansa para sa pre-employment documentary requirements, maliban pa sa mga itinatayong one-stop shop tuwing job fair para, sa mga first time jobseekers.

END/aldm/gmea
Assistant Secretary Joji Aragon
DOLE
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending