Ipe, Binoe, Bayani ‘3 musketeers’ ni Digong | Bandera

Ipe, Binoe, Bayani ‘3 musketeers’ ni Digong

Julie Bonifacio - July 24, 2019 - 12:30 AM

PHILLIP SALVADOR, ROBIN PADILLA AT BAYANI AGBAYANI

UMAGAW ng atensyon ang sabay-sabay na pagdating sa Batasang Pambansa nina Phillip Salvador, Bayani Agbayani at Robin Padilla para sa State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte.

Kilalang Duterte supporters ang tatlong aktor kaya hindi na kataka-taka kung dumating man sila doon.

Sa pag-apir nila sa SONA, tinawag sina Robin, Phillip at Bayani na “three musketeers” ni Presidente Duterte at mukhang enjoy na enjoy naman sila sa kanilang titulo.

Nakunan din ng pahayag si Phillip tungkol sa serbiyong ginawa ni P-Duterte para sa bayan.

Ayon sa aktor, ginagawa naman daw ng Pangulo ang lahat para sa ikabubuti ng bansa at para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

“Pero binabatikos pa rin siya. Sa inyo pong lahat na mga bumabatikos, mamatay kayong lahat,” diin ni Philip.

Isa rin si Phillip sa mga nangampanya para sa kandidatura ni Sen. Bong Go last election. Nagkaroon pa nga ng isyu ang pangangampanya ng aktor kay Sen. Bong Go nu’ng gawin nilang biro ang naging relasyon ng aktor kay Kris Aquino. Si Phillip ang ama ng panganay na anak ni Kris na si Joshua.

Adopted father daw ng Davao City si Phillip ayon kay Bong Go during the campaign. At ang naging basehan ng pagiging “adopted father” niya ay dahil meron daw siyang iniwan na apat na anak sa Davao City.

Bukod sa nabanggit na tatlong aktor, namataan din sa SONA sina Dina Bonnevie kasama ang mister niyang si 1st District Ilocos Sur Rep. Deogracias Savellano, former Manila Mayor Joseph Estrada at iba pang identified sa Duterte government.

Usap-usapan din ng netizens ang mga suot na gowns ng mga mambabatas natin sa SONA. We heard some of the senators, like Pia Cayetano and Nancy Binay, ang kilalang si Michael Leyva raw ang gumawa ng kanilang gown.

Habang si Sen. Grace Poe naman ay simpleng white Filipinia inspired outfit ang suot.

Anyway, napanood namin ang speech ng bagong Speaker of the House na si Allan Peter Cayetano bago ang SONA. Hindi mahaba ang kanyang speech pero malaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

After ng speech ni Cong. Cayetano, in-announce naman na isa sa mga Deputy House Speakers ngayon ay si Paolo Duterte, panganay na anak ni Digong. While his sister na si Davao City Mayor Sara Duterte ay hindi dumating dahil may sakit daw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending