NARITO ang ilan sa mga mahahalagang numero na may kaugnayan sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte:
4:53 p.m. nang lumapag ang helicopter na sinakyan ni Pangulong Duterte sa loob ng Batasan Complex
5:15 ng hapon nagsimula ang SONA ni Pangulo sa halip na alas-4
6:48 ng gabi nang matapos ni Duterte ang kanyang Sona pero hindi ito agad na umalis at kumanta pa sa tugtog ng Philippine Harmonic Orchestra
38 na palakpak lamang ang nakuha ng Pangulo sa kanyang mahigit isang oras na speech
297 ang kongresistang present sa sesyon nang isagawa ang unang roll call ng 18th Congress Lunes ng umaga
266 ang botong nakuha ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa botohan sa pagka-Speaker
22 Ika-22 na Speaker si Cayetano
28 ang botong nakuha ni Manila Rep. Benny Abante na nag-iisang kalaban ni Cayetano sa speakership race
2 ang nag-abstain sa pagboto: sina Buhay Rep. Lito Atienza at Magdalo Rep. Manuel Cabochan.
1 naman ang present pero nagpahayag na hindi ito boboto, si Albay Rep. Edcel Lagman
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.