NAARESTO na ang miyembro ng Manila Traffic And Parking Bureau (MTPB) na iniuugnay sa insidente ng pangingikil sa Sta. Cruz, Maynila at nakakulong na sa Manila City Hall Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT).
Kinilala ang naaresto na personnel ng MTPB na si Ricardo Galit.
Nauna nang nagbigay si Manila Mayor Isko Moreno ng ultimatum na sisibakin ang lahat ng miyembro ng MTPB sakaling hindi pangalanan ang kanilang kasamahan na sangkot sa pangingikil.
“Bibigyan ko kayo ng isang araw ha. Pag hindi n’yo itinuro sa akin iyung nasa video, lahat kayo tatanggalin ko,” sabi ni Moreno sa harap ng mga miyembro ng MTPB sa isinagawang flag-raising ceremony sa Manila City Hall.
Sinabi ni Manila Public Information Office chief Julius Leonen na agad na inendorso si Galit sa pamunuan ng MTPB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.