Hugot ni Bea kay Gerald: Enough! It’s not a mistake anymore, it’s a choice

By Ervin Santiago July 22,2019
share this

Hugot ni Bea kay Gerald: Enough! It’s not a mistake anymore, it’s a choice

By Ervin Santiago July 22,2019
share this

GERALD ANDERSON AT BEA ALONZO

“TAMA NA!”

Yan ang sigaw ni Bea Alonzo na tila patungkol sa relasyon nila ni Gerald Anderson.

Matagal nang napapabalita na on the rocks na naman ang relasyon nina Bea at Gerald dahil umano sa panloloko ng aktor. Alam naman ng lahat ang tsismis na may namamagitan daw kay Gerald at sa leading lady nito sa pelikulang “Between Maybes”.

Sa kanyang Instagram account, mukhang hindi na nakapagpigil pa si Bea at nag-post ng isang cryptic message na pinaniniwalaan ng marami na para talaga kay Gerald.

Isamg itim na background ang kanyang in-upload (tulad din ng ipino-post ng mga taong namatayan) sa Instagram na may caption na, “‘You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice.’

“ENOUGH.”

Hindi lang ang mga IG followers ni Bea ang nag-react sa kanyang hugot kundi pati na rin ang mga kaibigan niyang celebrities sa showbiz, kabilang na sina Angelica Panganiban, Kris Aquino, Loisa Andalio at marami pang iba.

Isang fan naman ni Bea ang nag-post sa IG na nagsasabing feeling vindicated siya sa ipinost niya about Gerald and Julia.

 “Para sa lahat ng ngsasabi na nagssinungaling ako and naninira lang. NOPE. I’m not lying. And ano mkkuha ko dun? There you go! Yan nlng ipakita ko.

“Hindi lang keme friends dahil bday ni Rayver (Cruz). Hello. They went on the same car together alone and iba gestures nila.

“Tinatago man halata padin OKAY. I dont like to assume or judge pero kawawa kase and sobrng manloloko.

“I already sent a message to Bea. Clearly we don’t know all the details kung ano man nangyayare in their real personal life.

“Pero one thing is for sure. HE DOESN’T DESERVE BEA ALONZO!

“After everything ginawa nya. Minahal and hindi sya jinudge sa past nya sa gnwa nya sa mag bestfriend (kimm and maja).

“Minahal nya padin even nung ngkamovie sila ni Pia. Niloko nya pero pinatawad at mas lalong nya pdin minahal.

“She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka.

“Ano lahat nlng ba ng leading lady nya lalandiiin nya or jojowain nya? Ganon ba yun?

“Sabi nga nila, Once a cheater always a cheater. I adore and love bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan nya na ng tuluyan si Gerald.

“With regards to Julia B. kung ano man reason nya selfcare selflove keme bestfriend sila ng ex nya bahala sya. I don’t care.

“Basta we are here for bea. We love her and she deserves better #beaalonzo #geraldanderson

“She liked my photo and posted a confirmation ‘ENOUGH.'”


Kung matatandaan, naghiwalay na rin noon sina Gerald at Bea pero balitang pinatawad din ng aktres ang boyfriend kaya nagkabalikan sila. Nagdenay na rin si Julia at ang ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia na si Gerald ang dahilan ng kanilang break-up.

Hindi pa nagsasalita si Gerald tungkol sa kanila ni Bea. Bukas ang BANDERA sa paliwanag ng mga taong sangkot sa isyung ito. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending