Coco, ABS-CBN wala pa ring balak tapusin ang ‘Probinsyano’
NILUSOB ng FPJ’s Ang Probinsyano Task Force Aguila ang original hit Pinoy musical na “Rak of Aegis” sa PETA Theater nitong nagdaang weekend.
Ito’y sa pangunguna nga ni Coco Martin kasama sina John Prats, John Medina, Sancho delas Alas, Jobert Austria, Mhyco Antonio, Marc Solis, Rapperts Bassilyo at Smugglaz at sina Raymart at Rowell Santiago.
Ibinalita ito sa pama-magitan ng Instagram account ni Coco. Balita namin ay bumili ng maraming ticket si Coco base na rin sa kuwento ng isang taong may kinalaman sa show.
“Nagbigay siya ng certain amount to subsidy kids from Eugenio Lopez Junior-Senior High School na puwedeng makapanood (ng Rak of Aegis),” kuwento sa amin.
Hindi lang daw itong “Rak of Aegis” ang sinuportahan ni Coco maging ang “Kundiman” party ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino.
“Laging nag-i-sponsor si Coco for particular performances na puwedeng manood ang mga bata. Nandoon din ang mga bagets na naka-uniform nag-thank you sa kanya.
“Then I think 20 ‘yung sa task force niya sa Probinsyano ang nanood din and in support to Randy (Santiago), kasi first performance niya sa 7th edition (ng show). Siya ‘yung developer mayor na role ni Arnel Ignacio rati,” kuwento pa sa amin.
Nag-jump shot din daw sa baha (eksena sa musical play na may baha) si Coco base na rin sa mga litratong nasa Instagram niya.
“May selfie jump shot siya (Coco) sa baha at uminom siya ng baha juice. Kaya ang punch line ng audience, ‘o dito buhay si Cardo, inumin mo ‘yang baha juice hindi ka naman talaga mamamatay, hindi naman talaga matatapos Ang Probinsyano,” sabi sa amin ng aming kausap.
Kasama rin daw ang Quezon City Mayor na si Joy Belmonte na nag-subsidize para sa mga bata na hindi lang nakarating sa show dahil may meeting na dinaluhan.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang netizens na nanood ng “Rak of Aegis” nitong Biyernes dahil nakita nila si Cardo at iba pang kasamahan nito sa FPJAP.
Nitong nakaraang linggo ay talagang pinag-usapan din ang eksena sa Probinsyano kung saan pinagbabaril si Cardo ni Alyas Bungo (Baron Geisler) pero mukhang siyam nga yata ang buhay nito dahil nagkamalay na uli siya mula sa coma.
Kaya huwag nang mag-alala ang manonood dahil tuloy pa rin ang serye ni Coco at wala pa talagang plano ang ABS-CBN na tapusin ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.