TUMAAS ang lebel ng tubig sa Angat at La Mesa dams, ang pangunahing pinagkukuhanan ng isinusuplay na tubig sa Metro Manila. Umabot sa 161.35 metro ang tubig sa Angat dam kahapon ng umaga, tumaas ng 1.19 metro kumpara sa lebel nito noong Biyernes ng umaga.
Ang critical level ng Angat ay 160metro at ang normal water level nito ay 180metro.
Ang tubig naman sa La Mesa dam ay 73.21 metro tumaas ng 0.12 metro kumpara sa 73.09 metro na sukat nito noong Biyernes. Ang critical level ng La Mesa dam ay 69metro at ang normal operating level nito ay 80metro.
May mga lugar na nakararanas ng mahina hanggang walang suplay ng tubig sa Metto Manila. May mga nagrereklamo rin na kulay milk tea ang tubig na lumalabas sa kanilang gripo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.