Yaya na-bully matapos tikman ang pagkain ng anak ni Pokwang: Hindi po ako maarteng amo

By Alex Brosas July 20,2019
share this

Yaya na-bully matapos tikman ang pagkain ng anak ni Pokwang: Hindi po ako maarteng amo

By Alex Brosas July 20,2019
share this

MALIA AT POKWANG

Pinatunayan ni Pokwang na hindi siya maarteng amo.

When she posted a short video of her daughter Malia being fed by her yaya, marami ang nag-react. Kasi naman, before kainin ni Malia ang food ay tinikman muna ito ng kanyang yaya.

Sinagot naman ito ni Pokwang sa mismong IG video na ‘yun ng kanyang anak.

“More broccoli more fun for my tisay ng masa @malia_obrian #tisayngmasa. Yes po malapit na namin i launch ang kanyang sariling youtube channel!!! SOON. Please lang sa mga magko comment ng nega about bakit nauna si ate Gina ang tumikim sa pagkain ng bata?

“1- niramdam nya kung mainit ang pagkain, natural ayaw nya mapaso ang bata.

“2- hindi po ako MAARTENG AMO!!

“3-napaka blessed ko dahil mahal na mahal nya ang anak ko!

“4- my Child my rules!!! 5-masipag po ako mang BLOCK para sa ikawawala ng stress. Salamat po and God bless!”

Pinapurihan naman si Pokwang ng netizens.

“Yes pag mabuting Tao ka lahat ng tao sa bahay pamilya mo na khit katulong. isa pa c Pokwang nagsimula yan sa hirap kaya alam nya mamuhay ng simple. Lahat ng down to earth alam ang style na yan. Check muna bago isubo sa bata.”

“Wala namang masama sa ginawa nya tinignan nya lang kung mainit na natural na ginagawa ng mga magulang ang aarte nyo naman pati ba naman yon pinakikialaman nyo pa kung napaso at maiinit di mas lalo kayong magagalit pls dont be a haters just be happy thay she love Pokwang baby.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending