‘Sahaya’ ng GMA rekomendado ng mga guro, magulang

By Bandera July 20,2019
share this

‘Sahaya’ ng GMA rekomendado ng mga guro, magulang

By Bandera July 20,2019
share this

MIGUEL TANFELIX AT BIANCA UMALI

Rekomendado ng mga magulang at mga teacher ang Kapuso epic dramaserye na Sahaya starring Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

Patuloy daw kasing naghahatid ng magandang aral sa mga kabataan ang tinaguriang “soap opera for social change” ng mga netizen.

Ayon sa mga Kapuso viewers, kahit medyo mabibigat ang ilang eksena, nagagawa pa ring gawing magaan dahil sa mga pakilig nina Sahaya (Bianca), Jordan (Migo Adecer) at Ahmad (Miguel Tanfelix).

Sino nga ba ang makakalimot sa viral post kung saan isang loyal viewer ng Sahaya ang nagsumbong sa DepEd tungkol sa pandarayang ginawa ng kanyang kaklase at teacher kay Sahaya. Idagdag pa ang mga memes na ginawa ng mga netizens nang labanan na ng karakter ni Bianca ang kontrabidang si Snooky Serna.

Wala ring sawa ang mga Kapuso viewers sa pagpo-post sa social media ng mga ganap sa serye at puring-puri pa rin nila ang akting ng lahat ng artista sa programa. Narito ang ilan sa kanilang mga comment.

Ayon kay @newwave881, “I dont usually watch telenovelas but thua sahaya is different. The plot is so complex and entertaining #SahayaMulingPagkikita.”

Para naman kay @JordanSahaya, “Who are excited to see Bianca Umali also known as Sahaya wearing a mermaid costume? #SahayaDesisyon KeepHoldingOnJorSah.”

Sey ni @takumichiiiii, “Seriously kahit sobrang complicated na, i still want to ship Jordan and Sahaya, can’t they have their own happy ending? #SahayaEmosyon.”

“Wawa nmn c ahmad nghirap, ngmahal, ngaantay at nsaktan tapos ang mhal pl nia ni sahaya c jordan… Asan ang pangako m sahaya ki ahmad nwala n lng omg… #SahayaPaglayo,” komento ni @mitchcute30.

Chika ni @Rinlee20, “Jordan is brave for standing up to anyone who questions his life’s choices. He is loyal for staying with Sahaya, even though everyone convinces him to find another one. #SahayaPangitain.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending