Huling pagbuga ng apoy ni Janine sa ‘Dragon Lady’
MAGTAGUMPAY nga kaya si Dragon Lady na labanan ang sumpang bumabalot sa kanyang pagkatao sa finale episode ngayong hapon sa GMA Afternoon Prime?
Yan ang sasagutin sa huling episode ng Dragon Lady nina Janine Gutierrez, Tom Rodriguez at Edgar Allan Guzman ngayong Sabado right after Eat Bulaga. Matapos ngang ma-extend ng ilang buwan, malalaman na ng Kapuso viewers ang magiging ending ni Dragon Lady.
Janine, who portrays the role of Celestina/Scarlet, said she is mostly grateful for the memories that she and her co-stars shared during taping.
“Thankful and happy. Masaya talaga ‘yung bonding namin dito sa set. Mostly girls kasi kami so puro chikahan and kainan. Kahit na mabigat ‘yung story line, ‘yung mga linyahan namin nakakatuwa. Very campy ‘yung show, kung saan-saan kami nagsasabunutan, sa freezer and supermarket.
“Kahit na ang intense ng mga eksena, enjoy kami kapag ginagawa namin kaya sa tingin ko marami rin ang nag-eenjoy na panoorin ‘yung mga sabunutan and one liner,” aniya.
Para naman kay Tom, na gumaganap bilang si Michael, mami-miss niya ang mga kasamahan niya sa serye na naging pamilya na rin ang turingan sa isa’t isa, “I will miss the whole group. Iba rin kasi ‘yung bonding namin kapag nasa set. Umaga pa lang kulitan na agad. But the clamor we’ve received is really because of our group effort. Everyone’s just been doing an amazing job.”
Diana Zubiri, who plays Almira, shared the inseparable bond that blossomed among the cast while working together, “Lahat sila mami-miss ko kasi naging close talaga kami.
“Siyempre si Janine, ang aking anak-anakan sa show. Tuwing break, sabay-sabay kaming kumakain at nag-uusap. Lahat kami dito positive lang, mababait silang katrabaho,” aniya pa.
At kahit na puro hate comments ang tinatanggap ng Kapuso actress na si Joyce Ching, who has convincingly given justice to her kontrabida role as Astrid, nagpapasalamat pa rin siya sa lahat ng nagalit at nabwisit sa kanyang kasamaan sa Dragon Lady.
“Actually, napaka-refreshing. May mga nababasa akong masasakit na salita and para sa akin ang refreshing noon na puro hate comments. Noong nagkokontrabida kasi ako before, hindi pa naman uso ang social media.
“Minsan nahe-hurt pero nakakatuwa na ganoon sila ka-affected sa acting namin,” lahad ng aktres na malapit nang ikasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Marami ring natutunan si Edgar Allan sa serye bilang si Goldwyn na umaasang magkakatrabaho uli sila ni Janine sa iba pang mga proyekto ng GMA.
“Mami-miss ko si Janine kasi first time ko siyang nakatrabaho and at the same time, we became close kasi ‘yung mga eksena namin usually emotional. Tuwing may scenes kami together, bigayan talaga kami.
Masarap siyang katrabaho,” chika ni EA na muling pinatunayan na pwede siyang maging magaling na bida at effective na kontrabida.
Sa pagtatapos ng Dragon Lady, paano patutunayan ni Scarlet na siya nga ang karapat-dapat maging tagapagmana ng kayamanan ng mga Chua? Kampihan na kaya siya ngayon ng pinakaaasam-asam ny swerte o may matindi pang pasabog na naghihintay kay Dragon?
Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, huwag palalagpasin ang huling pagbuga ng apoy ng Dragon Lady pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.