UMANGAT ang lebel ng tubig sa Angat dam, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Mula sa 158.27 metro noong Huwebes ng umaga, umakyat sa 160.16 metro ang tubig sa dam.
Ang critical level ng dam ay 160metro.
Tumaas din ang lebel ng tubig sa La Mesa dam ng 0.36 metro o mula 72.09 metro ay naging 73.09.
Ang Angat at La Mesa dams ang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Tumaas din ang tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, Pantabangan, at Magat dams. Bumaba naman ang tubig sa San Roque at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.