Ambisyosong hunk actor palaging iniiwan ng mga dyowa; maraming gustong pasukin

By Cristy Fermin July 19,2019
share this

Ambisyosong hunk actor palaging iniiwan ng mga dyowa; maraming gustong pasukin

By Cristy Fermin July 19,2019
share this

MARAMING katrabaho ng isang hunk actor ang nagpapatunay kung gaano siya kalapitin ng mga becki at kababaihan.

Talagang parang may kaway kuno ang itsura ng male personality para makuha niya ang atensiyon ng mga nakakaengkuwentro niya.

Malambing kasi siyang magsalita, marespeto, siyempre’y napakaguwapo niya at machong-macho rin siya. Kumpletos recados kung tawagin siya ng mga becki. Wala ka na raw kasing hahanapin pa sa male personality na ito.

Kuwento ng isang source, “Actually, may pagka-teaser si ____ (pangalan ng guwapo at machong aktor), e! Para bang lahat ng makita niya, e, gusto niyang pumasok sa bitag niya!

“Ibang-iba ang kanyang charisma, minsan mo lang siyang makausap, e, parang mahuhulog ka na sa kanya. Ganu’n ang nangyayari sa mga nakakasama niya, agad-agad siyang nagugustuhan, kahit hindi niya naman sadyang maging karelasyon ang girl!” umpisang chika ng aming source.

Nakakailang girlfriend nang artista ang hunk actor na ito. Nagtatagal din naman ang pakikipagrelasyon niya, pero ang ending, nagkakahiwalay rin sila.

Patuloy na chika ng aming impormante, “Ang kuwento kasi ng mga friends niya, e, masyadong ambisyoso ang guy! Marami siyang gustong pasukin at patunayan, kaya kita n’yo, kung anu-ano ang mga ginagawa niya ngayon!

“Magaling siyang umarte, mahusay rin siyang mag-action, pero ano ba ang bagong pinagkakaabalahan niya ngayon? Di ba, dribol naman siya nang dribol ng bola ngayon?

“Ganu’n siya. Kung saan matutok ang attention niya, ‘yun na ang pinag-uubusan niya ng panahon.

Natural, naiinis ang babae kapag ganu’n, naghahanap ng oras mula sa kanya na hindi niya naman maibigay, kaya nauuwi sila sa hiwalayan.

“Mahirap nga namang makipagrelasyon sa isang lalaking napakaraming ambisyon sa buhay. Gusto niyang sumikat na artista, gusto rin niyang maging sikat na basketball player, paano nga naman ‘yun?

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na kung sino ang male personality na ito, under pressure pa rin ba kayo sa panghuhula?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending