Gay movie nina Raymond, JC, Jay & Rufa Mae ilalaban sa MMFF 2019 | Bandera

Gay movie nina Raymond, JC, Jay & Rufa Mae ilalaban sa MMFF 2019

Reggee Bonoan - July 19, 2019 - 12:05 AM

JC DE VERA, ROXANNE BARCELO, JAY MANALO, RUFA MAE QUINTO, RAYMOND BAGATSING AT MARCO ALCARAZ

SA ginanap na story conference para sa pelikulang “Love Is Love” mula sa RKB Productions na iri-release ng Solar Films, hindi raw nagdalawang-isip ang buong cast na tanggapin ang proyekto.

Na-excite sina JC de Vera, Roxanne Barcelo, Rufa Mae Quinto, Jay Manalo, Marco Alcaraz at Raymond Bagatsing sa pelikula dahil kakaiba raw at unang beses nilang gagawin ang kanilang mga role, maliban kay Jay.

Ito rin ang unang pagkakataon na magdidirek ng ganitong klaseng pelikula si GB Sampedro mula sa script ni Aras Cruz Santiago.

Pawang mga award-winning ang kasama sa pelikula tulad nina Jay, JC at Raymond, “We’re hoping na ‘yung tema ng pelikula ay matanggap ng tao at maging successful ito sa unang attempt ng ganitong pelikula,” say ni direk GB.

Hindi naman nabigla si JC sa kanyang karakter, “Nu’ng unang i-offer ito tinanggap ko agad and I’m really excited about it. The plot itself gusto ko. It’s unique, it’s new and heartfelt.”

Sabi naman ni Roxanne, “First time ko, hindi ako nagdalawang-isip, isang isip lang. Sana tanggapin ako, I love the story, I love the concept, I love direk.”

Ang sabi naman ng makulit na si Rufa Mae, “Very first time ko rin, kaya kami nandito kasi malaki ang hinaharap namin.”

Malayung-malayo rin ang role ni Raymond sa huling pelikula niyang “Quezon’s Game” na tumanggap ng maraming awards kasama na ang Best Actor.

“Oo nga, eh. From President Manuel Quezon now being a transvestite, sana tanggapin nila kasi ako tinanggap ko agad. Actually, dalawang role ‘yung in-offer, pero mas gusto ko ‘tong isa kasi heartfelt tapos may message na taong-tao kahit hindi siya tunay na babae pero nagmamahal siya ng totoo,” kuwento ni Raymond.

Dagdag pa niya, “Hindi lang ‘yung transvestite ang nakapang-akit sa akin, nu’ng mabasa ko ‘yung dialogue niya, malalim tatamaan ang lahat ng klase ng tao kasi mula sa puso. It’s always challenging and it’s always exciting.”

Sa unang pagkakataon ay tumanggap si Marco ng gay role kaya looking forward siya rito, “Excited to work with direk (GB) and to everyone kasi unang beses ko rin ‘tong gagampanan with all the award winning actors here. It’s a new challenge for me.”

Para naman kay Jay, challenging pa rin ang role niya sa movie kahit ilang beses na siyang gumanap na bading sa pelikula, “Itong role ko rito, nagawa ko na rin ‘to, pwero iibahin ko ang atake. Ang mga ginagawa ko kasi before, I’m sure si direk naman aalalayan ako kung anong gusto ng direktor, gagawin ko. Ako kasi kapag alam kong nagawa ko na, sarili ko na ang tsina-challenge ko. Game naman ako maski na anong ipagawa sa akin.”

Tinanong namin ang gumaganap na asawa ni Ivana Alawi sa seryeng Sinong May Sala: Mea Culpa kung anong role kaya ang makakapagpa-challenge pa sa kanya.

“Sabi ko nga po sarili ko na ang tsina-challenge ko. Hindi ako nagbubuhat ng bangko or anything ha, sa totoo lang iniiba ko na lang ang atake, ‘yung approach, gumagawa akong sarili kong lines, pero ipinapaalam ko muna siyempre kung puwede ba akong mag-adlib o free ako sa mga gusto kong sabihin na hindi ko susundin ang script.

“Kasi minsan pag sinusunod mo ang script walang kabog. Pero kailangan mo pa ring i-maintain yung…ilabas mo kung ano talaga ‘yung hinihingi ng karakter,” paliwanag ng aktor.

Hindi rin ang tipo ni Jay ang tanggap nang tanggap ng offer para sa pera o ‘yung tinatawag na bread trip lang, “Hindi po, eh. Recently na rin ako nagtatanggap ng indie movies, mas magaganda nga ang material nila kaysa sa commercial. Nu’ng sinabi ang role ko dito, nagawa ko na dati pa, ngayon ang gusto kong malaman sa writer kung anong gusto niyang atake at kung puwedeng magdagdag. Kasi doon nanggagaling ang sinasabing typecast,” katwiran ng premyadong aktor.

Ang “Love Is Love” ay planong isali sa 2019 Metro Manila Film Festival at sana raw ay makaabot sila sa deadline sa Set. 20.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya nga galingan natin, bilisan nating mag-shoot,” singit naman ni Rufa Mae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending