Angel handang-handa nang maging misis ni Neil: Wala na pong atrasan! | Bandera

Angel handang-handa nang maging misis ni Neil: Wala na pong atrasan!

Ervin Santiago |July 18,2019
facebook
share this

Angel handang-handa nang maging misis ni Neil: Wala na pong atrasan!

Ervin Santiago - July 18, 2019 - 12:30 AM


HANDANG-HANDA nang maging misis ni Neil Arce si Angel Locsin at ready na rin siyang bumuo ng sariling pamilya.

Ngayon pa lang ay excited na ang Kapamilya actress sa wedding nila ni Neil na balitang nakatakda na sa November, 2020.

Sa panayam kay Angel ni Korina Sanchez sa Rated K, sinabi ng aktres na wala nang urungan ang kasalan, “Yes po, reading-ready na ako. Very excited!”

Chika pa ni Korina kay Angel, “Welcome to the club very soon! Wala nang urungan yan!” Na sinagot naman ni Angel ng, “I know!”

Hirit uli ni Korina, “Sabihin mo kay Neil, ha, wala nang saulian ito ha!” Ang birong tugon naman ng future wife ni Neil, “Lagot siya sa tatay ko kapag nagkataon!”

Noong nakaraang June 29, 2019 unang ibinandera nina Angel at Neil sa madlang pipol ang kanilang engagement. Sa pamamagitan ng Instagram, nag-post ang dalawa ng mga litrato kung saan ipinakita ni Angel ang kanyang engagement ring na may caption na: “I said YES.”

Samantala, kinumpirma naman ng kaibigan nina Neil at Angel na si Dimples Romana na siya ang magiging matron of honor sa kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending