INAMIN ng obrero ang panggagahasa at pagpatay sa 1-anyos na batang lalaki na natagpuan sa abandonadong gusali sa Makati kahapon ng umaga.
Ani Gerald Reparip, 28, sinakal niya hanggang mamatay ang biktima bago ginahasa Martes ng gabi.
“Kung nagawa ko po ‘yun, pasensya na po. Nadala lang po ng alak,” ani Reparip habang tinatanong ni Col. Rogelio Simon, Makati City Police chief, sa harap ng mga reporter.
“Pinagsamantalahan ko po,” dagdag niya bago inaming sinakal ang bata.
Nadiskubre ng kaanak ng biktima na nawawala ito at natagpuan naman siya ng kanyang lola na nakahandusay sa ikapitong palapag ng abandonadong gusali sa Yakal st., Brgy. San Antonio alas-12:30 ng umaga noong Martes.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagdiwang ang lolo ng biktima ng kanyang kaarawan at nag-inuman sa ikalawang palapag ng abandonadong gusali, kung saan tumatayong caretaker ang mga kaanak ng biktima.
Inimbitahan ng bayaw ng lolo ang suspek, na isang construction worker sa Muntinlupa, na sumali sa inuman.
Sinabi ni Reparip, na may anak na pintong-anyos, na nagawa niya ang krimen dahil sa kalasingan.
Nang maaresto ang suspek, nadiskubre na may bahid ng dugo ang underwear nito.
Sinabi ni Simon na nasa kustodiya na ng Makati City Police ang suspek at nahaharap sa kasong rape with homicide.
Isasailalim din sa drug test ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.