Sam Milby dumami ang raket dahil sa kasamaan sa 'Halik' | Bandera

Sam Milby dumami ang raket dahil sa kasamaan sa ‘Halik’

Reggee Bonoan - July 18, 2019 - 12:05 AM


BALIK-PILIPINAS na si Sam Milby pagkalipas ng dalawang buwang pagbabakasyon sa Amerika kung saan muli niyang nakasama ang mga magulang at kapatid sa Ohio, USA.

Pero kahit na nakabakasyon ang singer-actor ay hindi pa rin siya talaga napahinga sa trabaho dahil isinama rin siya sa “TFC Hour” noong Hunyo 22 na ginanap sa Union Square, San Francisco; “TFC Sama Saya Kapamilya” noong Hunyo 23 sa Lincoln Park Jersey City, NJ; “TFC Sama Saya Kapamilya”, July 1 sa “Canada Day Extravaganza 2019” sa McKenzie-King Park Montreal.

Nagmarka talaga sa mga kababayang Pinoy sa ibang bansa ang karakter niya sa seryeng Halik dahil Ace Corpuz pa rin ang tawag kay Sam ng mga naroon kahit ilang buwan nang tapos ang programa.

Halos isumpa ng mga sumubaybay ng Halik ang karakter ni Sam dahil nga sobrang sama ng kanyang role na nagpahirap kina Jericho Rosales, Yen Santos at Yam Concepcion. Pero dahil din dito ay kaliwa’t kanan ang imbitasyon sa buong cast para mag-show sa ibang bansa kasama na ang Canada kung saan nag-perform sila kasama pa ang komedyanteng si Negi.

Anyway, ngayong balik-bansa na si Sam ay uupuan na niya ang bagong teleseryeng gagawin niya at abangan na lang natin kung kontrabida siya ulit dito o good boy naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending