Pulse Asia: Approval rating ni Duterte bumaba pero mataas pa rin | Bandera

Pulse Asia: Approval rating ni Duterte bumaba pero mataas pa rin

Leifbilly Begas - July 17, 2019 - 03:26 PM

BUMABA ang approval rating ni Pangulong Duterte, ang tanging bumaba sa limang pinakamataas na opisyal ng gobyerno ayon sa survey ng Pulse Asia.

Sa survey na ginawa mula Hunyo 24-30, nakakuha si Duterte ng 85 porsyentong approval rating bumaba ng dalawang puntos kumpara sa nakuha nito sa survey noong Marso.

Nakakuha naman si Duterte ng 11 porsyentong undecided mula sa 10, at tatlong porsyentong disapproval rating mula sa 4.

Si Vice President Leni Robredo naman ay nakapagtala ng 55 porsyentong approval rating tumaas mula sa 49 porsyento. Mayroon siyang 21 porsyentong undecided mula sa 29 at disapproval rating na 24 mula sa 22.

Si Senate President Tito Sotto III ay nakapagtala naman ng 77 porsyentong approval rating mula sa 65 porsyento. Ang undecided nito ay 16porsyento mula sa 27at pitong porsyento ang disapproval rating mula sa 8.

Si Speaker Gloria Macapagal Arroyo naman ay nakakuha ng 26 porsyentong approval rating mula sa 22. Siya ay may 27 porsyentong undecided mula sa 26at ang disapproval rating nito ay 47porsyento mula sa 51.

Si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ay nakapagtala naman ng 41 porsyentong approval rating mula sa 38. Siya ay may 41 porsyentong undecided mula sa 43 at disapproval rating na 16 mula sa 15.

Trust Rating

Nanatili naman ang trust rating ni Pangulong Duterte sa 85 porsyento, gayundin ang undecided na 11 porsyento. Bumaba naman ang distrust rating nito ng isang porsyento at naitala sa 4.

Si Robredo naman ay nakapagtala ng 52 porsyentong trust rating tumaas ng 5 porsyento. Ang undecided ay 22porsyento mula sa 30at 26 ang dustrust mula sa 23.

Si Sotto naman ay nakakuha ng 73 porsyentong trust rating mula sa 61. Ang undecided ay 21mula sa 32 at ang distrust rating ay 7 mula sa 6.

Si Arroyo ay tumaas ng tatlong puntos ang trust rating at naitala sa 22 porsyento. Ang kanyang undecided ay 29mula sa 26at ang distrust ay 49mula sa 54.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Bersamin naman ay hindi nagbago ang trust rating na nasa 35. Ang undecided ay 48mula sa 46 at ang distrust ay 15mula sa 16.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. May error of margin ito na plus/minus 2.8 porsyento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending