Trabahong Butch Ramirez | Bandera

Trabahong Butch Ramirez

Dennis Eroa - July 16, 2019 - 10:00 PM

MABUTI na lang at nandiyan si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘‘Butch’’ Ramirez. Hindi na lihim sa mga dakilang miron ng sambayanang isports na tinamaan ng kontrobersya ang hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games nga-yong taon dahil sa kaguluhan sa Philippine Olympic Committee (POC).
Linawin po natin. Hindi po PSC na ahensya ng gobyerno ang magulo kundi po ang POC. Pero huwag na po nating ungkatin ang nangyari sa gulo sa POC at alam ko namang maaayos din ang gusot na iyan sa lalong madaling panahon. Mas magandang pag-usapan ang pagtatrabaho nang husto ni Ramirez na siya ring chef de mission ng Philippine delegation sa SEA Games.
Ang maganda nito ay nagkakaisa ang buong PSC sa paghahanda para sa hosting natin sa SEA Games.
Iisa ang layunin ni Ramirez at ng mga masisipag niyang mga commissioners na sina Ramon Fernandez, Charles Maxey, Celia Kiram at Arnold Agustin. Ito ay tiyakin ang tagumpay ng Pilipinas sa SEA Games. Hindi ko tinutukoy ang pagiging overall champion (kung mangyayari ba yan, e di patok!) kundi ang maayos, masinop at malinis na hosting ng bansa sa SEA Games.
Ang maganda kay Ramirez ay naiintindihan niya ang puso ng mga atleta at alam rin niya ang kahalagahan ng mga opisyal, coach at iba pang mga kasama sa Team Pilipinas. ‘Ika nga ay alam ni Ramirez na kailangang tumatakbo ng maganda ang bawat piyesa upang hindi magkaroon ng aberya ang makina.
Aminado rin si Ramirez na kailangang may pamantayan ang bawat atleta at sino pa nga ba ang dapat magbigay ng pamantayan kundi mismong mga opisyales ng bawat national sports association.
“We need to come together as a group and agree on the criteria,” ani Ramirez bago pulungin ang mga pangulo at secretary genera ng mga NSAs kamakailan.
“The PSC recognizes its strengths and, in this case, our strength lies in the knowledge of our partners,” aniya.
Sasabak sa 57 sports events ang Team Pilipinas sa SEA Games. Ayon kay Ramirez, magiging basehan sa puwedeng maabot ng mga nasyonal ang resulta ng mga kampanya sa 2015 Singapore at 2017 Malaysia SEA Games. Isama na rito ang mga resulta ng kampanya sa iba’t-ibang internasyonal na paligsahan sa nakalipas na taon.
Banggitin ko dito si EJ Obiena na kinuha ang ginto sa Universiade sa Italy. Tandaan n’yo ang pangalang EJ sa SEA Games.
Napakalaking hamon sa Pilipinas ang darating na SEA Games. Bagamat ito ay may halong ‘’fiesta-like atmosphere’’ ay hindi naman tayo dapat mapahiya sa paligsahan.
Malinaw ang sabi ni Ramirez na asintahin natin ang unang puwesto sapagkat hindi naman biro ang pondo na nagmula sa gobyerno. Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing dapat tiyakin ang tagumpay ng hosting ng bansa.
Umaapaw na sa karanasan si Ramirez bilang chef de mission. Umani siya ng paghanga matapos ang tagumpay ng bansa noong 2005 SEA Games dito. Dahil sa overall champion ang bansa ay nabuhay ang pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino.
Bumalik ang ating ‘‘pride’’ bilang mga Pinoy at pinakita natin sa buong mundo kung ano ang kaya nating abutin kung may pagkakaisa, determinasyon at pokus.
Maharlika tayo.
Huwag mag-alala mga kabayan, dahil sa trabahong Ramirez, asahang babalik ang saya at sigla ng Pinoy sports sa SEA Games na magbubukas sa Nobyembre 30 at magtatapos sa Disyembre 11.

KLEAN DUMATING NA SA PINAS

Kung sports nutrition ang pag-uusapan, numero uno ang KLEAN na kumpletong nutrisyon para sa mga atleta.
KLEAN promoted peak performance by fueling and fortifying with a solid nutritional base to fully support an athlete’s training and overall well-being, thus making it the new frontier for sports nutrition.
Natitiyak rin na medically proven, safe and effective ang KLEAN na certified ng respetadong NSF International na tumitiyak na hindi malalagay sa alanganin (kung paksa ang doping o pag-inom ng pinagbabawal na gamot ng World Anti-Doping Agency) ang sinumang atleta na gagamit ng KLEAN Athlete Nutritional Supplements.
Available ang KLEAN sa Apotheca Integrative Pharmacy at online sa Klean Athlete PH sa Shopee at Lazada.
Pinakilala ng KLEAN ang Athlete Ambassadors kamakailan sa City Club sa Alphaland sa Makati. Sila ay sina Elle Adda (Yoga practitioner), Amy Berezowski( pro boxer), Mark Hernandez (triathlete), Jojo Macalintal(multi-sport), Pablo Miro (triathlete), Fabio Duque (triathlete), Ignacio Escaño (baseball player), at ang regenerative medicine reasearch specialist at brand consultant na si Dr. Ben Valdecañas. Pinangunahan ni Richard Jay Lista, Director for Sales-Philippines, ang mga opisyal ng KLEAN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending