Pananampal ni Aiko sa Starstruck hopefuls trending ‘Ala-Dani Girl’ | Bandera

Pananampal ni Aiko sa Starstruck hopefuls trending ‘Ala-Dani Girl’

Reggee Bonoan |July 16,2019
facebook
share this

Pananampal ni Aiko sa Starstruck hopefuls trending ‘Ala-Dani Girl’

Reggee Bonoan - July 16, 2019 - 12:05 AM

AIKO MELENDEZ

MUKHANG magte-trending ang mga eksenang pinagsasampal ni Aiko Melendez ang contestants ng StarStruck base sa ipinost niyang video sa Facebook.

“Mamaya na po after Daddy’s girl. Panoorin nyo po @starstruckgma @gmapinoytv. Abangan sino ang mawawala! Double elimination ngayong gabi!” post ng aktres na siyang guest mentor last week sa artista search ng GMA.

Sa madaling salita, nag-acting workshop ang StarStruck hopefuls kay Aiko at ang pananampal niya sa mga ito ang pinag-usapang eksena ngayon sa social media na napanood nu’ng Sabado.

Isa ang talent manager at nagpapa-workshop na si Ogie Diaz ang nag-komento, “Grabe ka dito, Aikes!

‘Yan ‘yung mga di mo magawa sa tunay na buhay eh. Hahahaha!”

Tinext namin si Aiko kung mag-aala Daniella Mondragon (Dimples Romana) ba siya sa bago niyang teleserye sa GMA dahil nga pinag-uusapan na sa FB ang pananampal at pananakit niya sa aspiring talents ng StarStruck. Natawa lang siya sa tanong namin.

Magkaibigan sina Dimples at Aiko on and off-camera, “Good friend ko ‘yun ‘teh Regs, daming beses na (kami) nag-work. Happy ako sa success niya now and she deserves it.”

At dahil trending ang memes ni Dani Girl (Dimples) na naglalakad sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay ano ang gagawin niya sakaling makasalubong ni Kendra (karakter ni Aiko sa bagong serye sa GMA) si Daniela?

“Ha-hahaha! Sasampalin ko siya ng pagmamahal kasi mahal ko si Dimples. Kwela ‘yun,” sagot sa amin.
Going back to Aiko, tinanong namin kung sino sa contestants ng StarStruck ang nakitaan niya ng potential bilang guest mentor, “‘Yung Jeremy Sabido meron pa ibubuga, given the proper break. Gusto ko rin ang kuwento ng buhay niya. Si Radson Flores gusto ko itsura, si Kim de Leon is also magaling.”

Samantala, putol-putol ang palitan namin ng mensahe ni Aiko dahil nagte-taping pala siya para sa programang Dear Uge ni Eugene Domingo.

Sa mga hindi pa nakakaalam, matagal na rin pala niyang kaibigan at kumare ang bida ng bagong digital series sa iWant na Ang Babae Sa Septic Tank 3.

Post ni Aiko sa kanyang FB, “Super namiss kita! Sa di nakakaalam ninang ng anak ko si @eugenedomingo_official and we have been friends for the longest time. Dami namen emote dati. Lagi ko s’ya request na best friend ko sa movies ko noon, and now ako naman guest nya sa sarili nyang show!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Happy for you Kaps! You deserve all the success.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending