DID you know na 28.4 porsyento ng mga bata sa eskwelahan ang meron Soil Transmitted Helminths o bulate, ayon sa 2013-2015 National Parasite Survey ng Department of Health Research Institute of Tropical Medicine.
At sinasabing anim sa bawat 10 mag-aaral sa pre-school ay may STH, habang lima naman sa bawat 10 bata na may edad anim hanggang 14 ay meron ding sinasabing STH.
Noong Hulyo 2016, sinabi ng DoH na sa 19.2 milyong bata na may edad 5 hanggang 18 na nag-aaral sa public school, 15.8 milyon o 82.4 porsyento ang napurga.
Bakit kailangan purgahin ang bata?
Ayon sa World Health Organization ang STH ay sumisira sa nutritional status ng tao.
Kumakain ang bulate sa katawan ng tao at kabilang sa kinakain nito ang dugo na nagreresulta sa pagkawala ng iron at protein.
Kung hookworms ang makakapasok sa katawan ay nagdudulot ito ng chronic intestinal blood loss na magreresulta sa anaemia.
Sinisira rin ng mga ito ang malabsorption capability ng katawan upang mag-absorb ng nutrients.
Ang mga round worms ay nakikipagkompitensya pa sa tao sa paggamit ng Vitamin A mula sa mga kinakain.
May mga STH na nagdudulot ng pagkawala ng gana sa pagkain. Ang T. trichiura naman ay nagdudulot ng diarrhea at dysentery.
Paano nakakapasok sa katawan ang bulate?
Kadalasan hindi bulate kundi itlog ng bulate ang nakakapasok sa katawan ng tao. Sumasama ito sa pagkain gaya ng gulay kung hindi nahuhugasan at naluluto nang mabuti.
Pwede rin na sumiksik ang maliliit na itlog na ito sa mga daliri ng bata kapag naglalaro sa lupa at maaaring makapasok sa katawan kapag nagkakagat ng daliri.
Kapag nakapasok sa katawan, mapipisa ito at doon na lalaki.
Ang isang bulate ay nangingitlog ng libu-libo at nakalalabas sa katawan kasama ng dumi.
Sa mga lugar kung saan hindi sapat ang sa-nitasyon ay maaaring mapunta ang mga itlog sa pagkain kaya mahalaga ang paghuhugas ng kamay lalo na kung galing sa banyo.
Gamot
Mabisa umano ang deworming o preventive chemotherapy upang maalis ang bulate at maiwasan itong makapaminsala sa katawan.
Inirerekomenda ng WHO ang pagsasagawa ng taunan o dalawang beses kada taon na pagpupurga gamit ang albendazole o mebendazole.
Kung napakarami na ng bulate sa katawan maaaring irekomenda ang doktor na sumailalim sa surgery ang pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.