Kris Bernal: 12 na ang show ko pero wala pa akong award | Bandera

Kris Bernal: 12 na ang show ko pero wala pa akong award

Alex Brosas |July 14,2019
facebook
share this

Kris Bernal: 12 na ang show ko pero wala pa akong award

Alex Brosas - July 14, 2019 - 01:20 AM

KRIS BERNAL

Micro starlet of pinetree proportion Kris Bernal is badly hurt.

Masakit para sa kanya na 12 years na siya sa industry pero wala pa rin siyang acting award. She feels frustrated and disappointed.

Kitang-kita naman ang kanyang frustration sa latest interview sa kanya.

“Kung hindi naman meaty ang role, parang pass muna ko,” she said in a recent media huddle.

“Yung gusto mo na talaga gumawa ng role na mapapansin ka hindi ‘yong parang nadaanan lang. ‘Yong puwede kang mabigyan ng recognition ‘yon na ‘yong habol ko eh,” say pa ni Kris sa presscon ng bagong show niya sa GMA 7.

“Kaya ko rin tinatanggap ‘yong mga roles na kakaiba kasi ‘yon ‘yong habol ko talaga. Like, for so long, every year may show ako, more than 12 na ang shows ko, hindi talaga ako nabibigyan ng award,” dagdag pa ni Kris.

With that, “award” (lait) ang inabot ni Kris mula sa netizens.

“Asa pa ang starlet na ‘to. Kala mo lang magaling ka pero sa totoo bano ka! Jusme.”

“Hahaha! Frustrated ang starlet. Hay naku GMA baka madepress tong si Kris bigyan nyo yan ng awards.

Kahit certificate lang man maawa kayo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But one netizen defended Kris and said, “Grabe tong mga tao makapagsalita! Parang mga hindi na tao! Saan kayo kumukuha ng ugaling demonyo? Tao pa ba kayo?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending