Matteo balak na raw mag-propose kay Sarah ngayong 2019; ready nang pakasal | Bandera

Matteo balak na raw mag-propose kay Sarah ngayong 2019; ready nang pakasal

Ambet Nabus |July 14,2019
facebook
share this

Matteo balak na raw mag-propose kay Sarah ngayong 2019; ready nang pakasal

Ambet Nabus - July 14, 2019 - 01:05 AM

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

“Talk to Sarah,” ang nakangiting sagot ni Matteo Guidicelli sa tanong ni Kuya Boy Abunda hinggil sa isyu ng pagpapakasal nila ng Pop Royalty.

“Love oh,” segue pa ng bagong hirang na member ng Scout Rangers sa usaping paulit-ulit na ibinabato sa kanila ni Sarah.

Nakakakilig talaga ang inaabangang Sarah-Matteo wedding lalo pa’t sa loob ng tatlong taon nilang relasyon bilang magkarelasyon ay masasabing napagdaanan na nila ang tinatawag na “worst case scenario.”

Sabi ng ng kanilang fans and supporters, this is the perfect time para magpakasal sina Matteo at Sarah at bumuo ng sariling pamilya. Naniniwala sila na pareho na silang ready – financially, emotionally and spiritually.

Basta kami, we will stick to the news we got last year, na ngayong 2019 ay mayroong magaganap na napakaganda at mahalagang kaganapan sa buhay ng dalawa. ‘Yun na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending