Coco siguradong na-bad trip sa nanuntok na kongresista | Bandera

Coco siguradong na-bad trip sa nanuntok na kongresista

Cristy Fermin |July 14,2019
facebook
share this

Coco siguradong na-bad trip sa nanuntok na kongresista

Cristy Fermin - July 14, 2019 - 12:50 AM

COCO MARTIN

Hindi lang nagsasalita pero siguradong inalmahan ni Coco Martin ang inasal ng kongresista ng Ang Probinsyano party list. Siguradong hindi nagustuhan ng action star ang ginawa nitong panununtok sa isang waiter.

Inuupakan sa social media ngayon ang party list congressman na hindi namin babanggitin ang pangalan dahil sayang ang aming espasyo. Alam naman ng buong bayan ang kanyang ginawa sa waiter, kaya alam na ng publiko kung sino ang aming tinutukoy, naturingang may posisyon pero ito pa ang nagpasimuno ng gulo.

Kaladkad siyempre ang pangalan ng Ang Probinsyano sa ginawang panununtok ng kinata-wan ng party list, ikinampanya pa naman ng action star ang grupo, pero nang dahil lang sa napakasimpleng bagay ay nag-angat na agad ito ng kamao at nanakit.

Nanghingi na ng paumanhin ang kongresista pero kahit kailan ay hindi na mabubura sa isip ng
ating mga kababayan ang kanyang inasal.

Hindi lang maayos na nailatag sa mesa ang placemat, uminit na agad ang ulo at binigwasan ang waiter na mula umaga hanggang gabi ay nagtatrabaho?

Paano kapag naging presidente na ng Pilipinas ang kongresistang ito, baka hindi lang suntok ang abutin mula sa kanya ng mga ordinaryong mamamayan, baka mas matindi pa?

Sa July 21 pa ang salpukan nina Pacman at Thurman, pero mas maaga nang nagpakawala ng suntok ang hambog na kongresistang ’yun, di ba naman?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending