Arci Muñoz, JC Santos lumaklak ng wine para tumapang sa laplapan | Bandera

Arci Muñoz, JC Santos lumaklak ng wine para tumapang sa laplapan

Djan Magbanua |July 14,2019
facebook
share this

Arci Muñoz, JC Santos lumaklak ng wine para tumapang sa laplapan

Djan Magbanua - July 14, 2019 - 12:15 AM

ARCI MUÑOZ AT JC SANTOS

First timer din sa PPP si Arci Muñoz na makakasama naman sa pelikulang “Open” with PPP veteran JC Santos.

Ang “Open” ay kwento ng isang matagal nang magkarelasyon pero nawawala na ang spark o magic sa kanilang pagsasama kaya susubukan nila ang “open relationship” kung saan pwede silang makipag-sex sa iba pero bawal ma-in love.

Sa trailer pa lang ng pelikula ay umaatikabong halikan at love scene na ang napanood namin kaya nang tanungin namin si Arci kung gaano siya ka-daring dito, between 1 and 10, isang nagsusumigaw na 11 ang kanyang sagot na sinang-ayunan naman ng kanilang director na si Andoy Ranay.

“Patay ako sa nanay ko! Mama, ngayon pa lang sinasabi ko na sa ‘yo,” patawang sabi ng aktres sa aming interview.

Gaano ba katindi ang mga ginawa niyang intimate scenes sa movie? Sagot ni Arci – kinailangan daw niya ng maraming wine sa set.

“Kami ni JC marami kaming nainom na wine dito, totoong wine ‘yung pinapainom sa amin ni Direk. Para tumapang daw kami. Ha-hahaha!” tawa nang tawang pahayag ng dalaga.

Aniya pa, halos every shooting daw ay meron silang halikan ni JC, “Saka hindi lang si JC ang hinalikan ko!” dagdag pa niya. And when asked kung ilan nga bang guys ang naka-kissing scene niya sa “Open”, hindi na raw niya matandaan dahil sa dami.

Ang “Open” ay under T-Rex Entertainment and Black Sheep Productions.

Mapapanood na sa mga sinehan ang mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa ikatlo nitong taon sa Sept. 13 hanggang 19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending