Joross maraming tinuruang beki kung paano magka-baby | Bandera

Joross maraming tinuruang beki kung paano magka-baby

Alex Brosas - July 13, 2019 - 12:51 AM


KAALIW ang role ni Joross Gamboa sa “The Panti Sisters” na isa sa official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Isa ako sa karelasyon ng isa sa mga magkakapatid, sa character ni Martin del Rosario. Tuturuan ko siyang makagawa ng baby. Kumbaga, supportive ako. Straight naman ako dito.”

When someone asked kung may naturuan na siyang gay na magka-baby, the actor replied, “Actually, marami na akong tinuruan, eh. Gusto ninyo bang matuto.”

May sumabad na reporter and said na in his youth ay maraming butas na pinasukan ang actor.

“Parang ilong na lang ang hindi. Ano na ‘yun, nakaraan na ‘yun. Isang butas na lang,” pabirong sagot ng actor.
Ano ang challenge ng kanyang role? “May comedy part at may drama rin kaya excited ako dito sa movie na ito.”

Parang nalilinya ka sa mga gay films? “Hindi naman, kasi itong kay direk Cathy Garcia Molina na ‘Hello, Love, Goodbye,’ ano ako playboy. Itong ginagawa naming ‘Kid Alpha On’ ay action naman, parang role ko sa Ang Probinsiyano.”

q q q
Marami ang naplastikan kay Mommy Rowena, mom ni PBB Otso housemate Diana Mackey, nang mag-guest ito sa Magandang Buhay to surprise Melai Cantiveros.
Nag-viral kasi ang video nila dahil parang binastos ni Mommy Rowena ang TV host-comedienne sa eviction night.
“Talagang sobra akong na-shock. Pero noong nag-uusap tayo okay naman. Nagulat ako nu’ng paglabas namin ng PBB, ‘Mommy trending ka na.’ Diyos ko, mas sumikat pa ako kay Diana!”
“Noong una sabi ko, ‘Ba’t ako magso-sorry wala naman akong kasalanan kay Ms. Melai?’ Eh, sige na nga kako, kahit walang nangyari mainam na ring mag-sorry ako para maisip nila na hindi pala talaga ako ganoon kasi kung anu-ano na’ng mga sinabi nila eh,” say ni mommy Rowena sa interview.
Nag-react ang fans ni Melai at binuweltahan nila ang nanay ni Diana. Tinawag nila itong plastik at pakitang-tao dahil parang napilitan lang itong mag-sorry kay Melai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending