Gretchen malalim ang hugot kaya galit na galit kay Kris; Ayaw tumigil sa pagsawsaw | Bandera

Gretchen malalim ang hugot kaya galit na galit kay Kris; Ayaw tumigil sa pagsawsaw

Cristy Fermin |July 13,2019
facebook
share this

Gretchen malalim ang hugot kaya galit na galit kay Kris; Ayaw tumigil sa pagsawsaw

Cristy Fermin - July 13, 2019 - 12:18 AM

PAKIRAMDAM ng mga netizens ay naghihintay lang talaga ng pagkakataon si Gretchen Barretto para muling inisin si Kris Aquino. Basta may nagaganap sa buhay at career ni Kris ay paniguradong may komento agad ang nananahimik na sa kanyang career na si Gretchen.

Simple lang ang kanyang atake, nagpo-post siya ng kanyang opinyon sa social media, lalo na kapag si Kris ang sangkot sa isang isyu.

Karapatan niya naman ‘yun bilang mamamayan ng Pilipinas na malaya, kaya lang ay pinupupog siya ng mga loyalista ni Kris, nakikisawsaw pa ang mga bashers na parang mga bampirang naghihintay ng dugo.

Ang pinakahuling isyung pinakisawsawan ni Gretchen ay ang kasong isinampa ni Kris laban kay Nicko Falcis sa Manila Fiscal’s office na ibinasura dahil sa kakapusan ng merito.

Lumipad papunta sa basurahan ang mga salaysay ni Kris, ayon sa fiscal na humawak ng asunto ay walang anumang ninakaw si Nicko sa kumpanya ng aktres-TV host, dismissed!

Natural, tulad ng dapat asahan, palalampasin ba naman ‘yun ng nakaabang lang na si Gretchen?
Ang kanyang sabi, sa bandang dulo raw ng laban ay talagang nagwawagi ang katotohanan, kaya binati niya si Nicko Falcis sa pananalo sa kaso.

Napakalalim ng hugot ni Gretchen kay Kris, kung ano ang totoong dahilan sa likod nu’n ay wala pang nakakaalam, isang araw siguro ay bibigay rin si Gretchen Barretto para ikuwento kung bakit mainit ang kanyang dugo sa pinsan pa naman ng kanyang karelasyong si Mr. Tony “Boy” Cojuangco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending