Eugene malapit nang magpakasal sa Italian boyfriend: He is my life!
TATLONG taon na pala ang relasyon ni Eugene Domingo sa kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni.
Pag-amin ng komedyana, si Bottoni na ang “the one” para sa kanya at ang three years nilang pagiging lovers ay talagang tine-treasure niya.
“Ang saya, ang sarap at tsaka tamang-tama lang. Hindi naman kami ‘yung masyadong nagmamadali sa lahat ng bagay, sakto lang,” pahayag ni Uge sa nakaraang mediacon ng “Ang Babae Sa Septic Tank 3”, ang latest digital series ng iWant na magsisimula na sa July 17.
Siyempre, tinanong din si Eugene kung engaged na ba sila ng kanyang boyfriend, “We are almost there. It’s like he is my life.”
Handa ba siyang isakripisyo ang kanyang career sa Pilipinas para sumama kay Bottoni sa Italy at doon na manirahan? Sagot ni Uge, pwede siyang tumira sa Italy pero hindi siya magre-retire bilang artista.
“Of course, but I am not saying that I am going to retire as an actress because an actor never retires kasi hindi naman ‘yan parang trabahong parang pag-60 years old ka na pension na. Alam n’yo naman na you can act kahit hanggang 100. But if it will call for more time to be spending in Italy then yes,” paliwanag niya.
And yes, effective para sa kanila ang LDR, o long distance relationship, “Sa panahon ngayon na meron kang iba’t ibang application where you can communicate hindi na problema ‘yung long distance relationship tapos ipon-ipon lang, promo-promo ng pamasahe makakarating din kayo doon.”
Samantala, pagkatapos ngang paglaruan ang indie films at Pinoy romcom, nagbabalik ang “Ang Babae sa Septic Tank” para magpatawa sa pamamagitan ng paggawa ng isang historical biopic na muling pagbibidahan ni Eugene bilang isang bilib na bilib sa sarili at mapagmataas na bersyon ng sarili niya.
Mapapanood na nga ngayong July 17 sa iWant ang ditital seryeng “Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken,” ang ikatlong edisyon sa sikat na “Septic Tank” series na isi-nulat ni Chris Martinez at idinirek ni Marlon Rivera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.