Tolentino: Hindi ko sila uurungan | Bandera

Tolentino: Hindi ko sila uurungan

Eric Dimzon - July 13, 2019 - 06:48 PM

SI Philippine Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) president at dating Philippine Olympic Committee (POC)  chairman Abraham “Bambol” Tolentino (una sa kaliwa) sa ginanap na POC election noong isang taon.

BETERANO na si Abraham “Bambol” Tolentino ng maraming eleksyon.

Patunay na dito ang pagiging City Councilor (1998-2004), Mayor (2004-2013) ng Tagaytay at Representante ng ikapitong distrito ng Cavite magmula noong 2013.

Subalit inaamin ang beteranong politiko na si Tolentino na ang pagtakbo niya bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) ay ibang istorya na.

“Dito (sa POC) 42 lang ang botante plus three,” sabi ni Tolentino patungkol sa 42 regular members ng POC at ang voting rights ng dalawang representante ng mga atleta na sina Hidylin Diaz ng weightlifting at Henry Dagmil ng athletics at International Olympic Committee (IOC) representative Mikee Cojuangco-Jaworski.

Ang POC emergency election ay isasagawa sa Hulyo 28 at tatakbo si Tolentino bilang pangulo.

Posibleng makalaban niya sa eleksyon si athletics chief at dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Juico, na hindi pa kinukumpirma ang kandidatura.

Hindi naman nag-aalala si Tolentino kahit sino ang makakatunggali niya mula sa kabilang partido.

“Hawak na namin ang majority ng General Assembly,” sabi ng pangulo ng Philippine Integrated Cycling Federation of the Philippines at dating POC chairman.

Hindi naman binanggit ni Tolentino ang mga lider mula sa iba’t ibang national sports associations (NSA) na susuporta sa kanyang partido.

“Ayaw naming gapangin pa ng kabila ang mga kakampi namin. Baka pag nalaman pa nila kung sino ang mga kakampi namin, gipitin pa nila ang mga ito,” ani Tolentino.

“Ngayon pa lang, nakatanggap na kami ng balita na anim na NSA ang gigipitin nila sa General Assemby (GA) sa July 18 para di makaboto. Ilalaban namin na makaboto at di matanggal ang mga NSA na ito. Ilalaban talaga namin ang mga ito.”

Inamin din ni Tolentino na may “politika” sa sports subalit hindi siya nagpapatinag dito.

“Ako ang harapin nila tutal ako ang politiko. Kung politika ang gusto nila, politika ang ibibigay ko sa kanila. Matagal na ako sa politika. Mahigit dalawang dekada na akong politiko. Sanay na ako lumaban. Hindi ko sinasabi na mas matapang ako kay Mr. Ricky Vargas. Pero di ko sila uurungan. Lalaban ako hanggang dulo para matapos na ito. Patay kung patay,” dagdag pa ni Tolentino.

“Hayaan natin ang GA ang magdesisyon. Ang nais ko ay maisaayos ang POC at maipagpatuloy ang magandang nasimulan ni dating POC president Ricky Vargas. Umaasa ako na kung ano ang maging desisyon ng GA sa extraordinary meeting sa July 18, igagalang ito ng ating mga kasama sa POC Executive Board. There will surely be fireworks on the 18th but we hope that everyone will respect whatever decision the GA will make.”

Sinabi rin ni Tolentino na ginagawa niya ito hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga atleta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang tanging hangad ko ay mapagsilbihan ang ating mga atleta. Ang mga atleta dapat ang unahin hindi ang ating mga sarili. Sana ang POC ang magsilbing pangunahing institusyon na mangangalaga sa kapanan ng
ating mga atleta. Tigilan na ang sobrang pamumulitika sa sports,” ani Tolentino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending