Kathryn mapapanood uli sa GMA; Sinamahan si Alden sa Unang Hirit
CONFIRMED! Babalik uli sa GMA 7 si Kathryn Bernardo para mag-promote ng pelikula nila ni Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye.”
Makalipas nga ang halos siyam na taon, muling tutungtong sa Kapuso Network ang girlfriend ni Daniel Padilla kaya naman excited na ang mga Kapuso viewers.
Aapir si Kathryn sa Kapuso morning show na Unang Hirit na mapapanood bukas, July 12, kasama siyempre ang Pambansang Bae.
Sa Instagram account na @Kapusoprgirl, makikita ang litrato at video nina Kath at Alden para sa guesting nila sa Unang Hirit.
Ito’y may caption na, “Gising nang maaga bukas, mga Kapuso! Bibisita ang stars ng #HelloLoveGoodbye na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa @unanghirit!”
Sa isa pang photo ng dalawa makikita ang todo ngiti nila habang ini-interview na may caption na, “Bakit kaya natatawa sina #HelloLoveGoodbye stars Alden Richards at Kathryn Bernardo? Abangan bukas sa @unanghirit!”
Sa nakaraang presscon ng “Hello, Love, Goodbye” sinabi ni Kathryn na bukas siya sa posibilidad na makagawa ng pelikula under GMA Films.
“Ako, okay po sa akin. Kung payagan po nila, I would love to cross over naman. Masaya kami ni Alden kasi nakita namin dito sa movie na parang nawala yung hati ng Kapuso and Kapamilya, kaya super ang sarap. Mahabang usapan po, pero let’s see!” sabi ng dalaga.
Samantala, hindi nga ito ang unang pagkakataon na mapapanood si Kathryn sa GMA. Kung matatandaan, nine years ago (2010), gumanap siya bilang young Marian Rivera sa Kapuso series na Endless Love.
Nakatakda sanang magbida si Kathryn sa 2010 Kapuso youth-oriented series na Tween Hearts kasama sina Barbie Forteza at Bea Binene pero hindi na nga ito natuloy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.