Supladong male celebrity takot na takot sa asawa

By Cristy Fermin July 12,2019
share this

Supladong male celebrity takot na takot sa asawa

By Cristy Fermin July 12,2019
share this

MATAGAL nang umiikot ang kuwento tungkol sa kakaibang ugali ng isang kilalang aktor na hindi na masyadong bagets pero hindi pa rin masasabing matanda na.

Ayon sa kanyang mga nakatrabaho na ay mahirap hulihin ang kanyang ugali. Palaging seryoso ang kanyang itsura, parang hindi siya puwedeng biruin, kaya pinakikibagayan siya ng kanyang mga kasamahan.

Kuwento ng isang source, “Kapag hindi siya nagsasalita, e, di okey lang! Kung ayaw niyang kumibo, e, di sige lang, magpanis siya ng laway niya!

“Palagi kasing ganu’n ang dating niya kapag nagre-report siya sa set, parang palagi siyang pagod at aburido, iniintindi na lang ng mga katrabaho niya na siguro, e, napagod lang siya sa iba pa niyang trabaho.

“Kasi nga, e, businessman din siya, meron siyang mga negosyong inaasikaso bukod sa pag-aartista niya.

So, okey lang kung ayaw niyang makipagkuwentuhan sa mga tao sa set, fine!” madiing kuwento ng aming impormante.

Suwabe raw ang ka-supladuhan ng male personality, hindi naman siya nambabastos ng kanyang kapwa, pero kitang-kita na meron siyang attitude na kanyang-kanya lang.

“Nagkukuwentuhan ang lahat ng mga artista sa location, pati ang mga staff and crew, pero siya, e, nasa waiting area lang, walang kasama. May sariling mundo rin ang taong ‘yun, sa totoo lang!

“Lalabas lang siya kapag take na niya, kapag magri-reading na sila ng mga lines, pero kapag wala siya sa eksena, nasa sariling mundo lang niya ang lalaking ‘yun!

“Pero sanay na sa kanya ang mga kasamahan niya, kung wala siya sa mood, e, di wala! Kung gusto niyang makipag-usap, e, di good! Sanay na sila sa taong ‘yun!

“Saka di ba, balitang-balita na takuza siya? Takot na takot kuno siya sa misis niya! Baka ‘yun ang sabi ng wife niya, ang huwag siyang masyadong nakiki-PR!

“Hindi na sila apektado ngayon kung ayaw mang magsalita ng male personality, wala nang pumapansin sa kanya, kaya siguro nag-isip na siyang kumabilang-bakod!

“Yup, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siya na nga ang male personality na ‘yun, yup na yup!” madiing pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending