Sarah sa pagpapakasal: Dapat ready ka na talaga

By Bandera July 12,2019
share this

Sarah sa pagpapakasal: Dapat ready ka na talaga

By Bandera July 12,2019
share this

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Turning 31 na si Sarah Geronimo sa darating na July 25. Kaya ang comment ng kanyang fans and followers, pwedeng-pwede na talaga siyang bumuo ng sariling pamilya.

Nasa marrying age na raw kasi si Sarah at mukhang ready na rin naman ang boyfriend niyang si Matteo Gudicelli na pakasalan siya.

“Well, ‘yun ang dini-dictate ng society, na kapag nasa 30s ka na or malapit ka na mag-30, dapat ikakasal ka na or magkaroon ka na ng pamilya. Pero kailangan prepared ka diyan, eh,” pahayag ni Sarah sa panayam ng ABS-CBN.

Dugtong pa niya, “Well, you will never be ready. Importante lang you know in your heart, sa puso at isip mo, sabay ‘yun, sureball ka.”

Sa nakaraang panayam naman kay Matteo, iwas na iwas siya sa usaping kasal kaya ang nasabi na lang niya ay ipagdasal sila ng kanyang girlfriend para maging maayos ang lahat.

Sa isa pang interview, sinabi naman ng binata na wala pa talaga siyang maisasagot sa tanong kung kailan nila balak magpakasal ng Pop Royalty, “Wala pa eh. Kapatid ko nga magpapakasal na, naunahan ako.

Hindi ko pa alam.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending