Alden, Maine suportado pa rin ang isa’t isa kahit iba ang ka-loveteam

By Bandera July 12,2019
share this

Alden, Maine suportado pa rin ang isa’t isa kahit iba ang ka-loveteam

By Bandera July 12,2019
share this

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

SUPORTADO pa rin nina Maine Mendoza at Alden Richards ang isa’t isa, lalo na ngayong solo-solo muna sa kanilang career.

Ayon sa Pambansang Bae, kahit may kanya-kanya na silang katambal ngayon sa pelikula, hindi pa rin nawawala ang AlDub dahil naniniwala siya na napakarami pa rin nilang supporters ni Maine.

Malapit nang mag-showing ang pelikula ni Alden kasama ang Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love Goodbye”, habang malapit nang simulan ang movie ni Maine na “Isa Pa With Feelings” kung saan makakatambal naman niya si Carlo Aquino.

“I’m really happy that Maine is exploring acting with a different partner now and doing movie projects alone. Kasi when we were working together, nakukuwento niya sa akin na she’s really having a hard time when it comes to acting,” pahayag ni Alden sa nakaraang presscon ng “HLG”.

Dugtong pa ni Alden, “Full support naman kami, sinusuportahan namin ang isa’t isa kapag gumagawa kami ng projects together. Pero now, ito ‘yung time ni Maine to break out of that fear and conquer kung ano man ang mga nagho-hold back sa kanya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending