Horror movie nina Kris at Derek pasok sa MMFF 2019
Confirmed! Muling sasabak sa paggawa ng horror movie ang Queen of all Media na si Kris Aquino.
Pasok na sa Magic 8 ng 2019 Metro Manila Film Festival ang pelikula nila ni Derek Ramsay na “(K)Ampon” mula sa Quantum Films.
Ang tatlong iba pa ay ang “Miracle in Cell No. 7” nina Aga Muhlach at Nadine Lustre (VIVA Films); “Mission Unstapabol: The Don Identity” starring Vic Sotto and Maine Mendoza (APT Entertainment/M-ZET Productions); at “Momalland” nina Vice Ganda at Anne Curtis (ABS-CBN Film Productions, VIVA Films).
Ayon sa isang source, hindi raw mahindian ni Kris ang nasabing proyekto dahil nagandahan siya sa script, bukod pa sa ito ang magiging comeback niya sa horror genre. Ang last horror movie niya ay ang “Feng Shui 2” kung saan nakasama niya si Coco Martin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.