‘Mas madaling umarte kesa magdirek ng pelikula!’ | Bandera

‘Mas madaling umarte kesa magdirek ng pelikula!’

- July 11, 2019 - 12:05 AM

DAWN AT MICHAEL V

NAPATUNAYAN ni Michael V na napakahirap pala talagang magdirek ng isang pelikula.

Ito ang diretsong inamin ng Kapuso TV host-comedian sa nakaraang presscon ng first directorial job niyang “Family History” under Mic Test Entertainment and GMA Pictures.

“Mas madaling umarte! Na-realize ko ‘yan nung ginagawa na namin yung movie.

“As a director, ako set up, di ba? ‘O, set up tayo ng shot, ito yung camera mo, ito ang blocking, okay,’” unang pahayag ni Bitoy na siya ring nagsulat ng script ng “Family History”.

“Pagkatapos mo um-acting, gagawin mo na iku-cue mo na yung sarili mo, ikaw ang magku-cue ng cut. Tapos pagkatapos nu’n, ipi-preview mo.

“Tapos, normally kapag artista ka, pagkatapos ng eksena okay! Good take, upo ka na, pahinga ka na, wait for the next take. Kapag ikaw pala yung director, pagkatapos nu’ng take, lalapitan ka na nung staff mo, ‘Direk, ano na po gagawin?’

“’Oo nga pala, hindi pala ako puwede maupo, ako nga pala direktor. So, mas madali mag-artista,” aniya pa.

Bukod sa pagiging komedyante, nakilala rin si Bitoy bilang mahusay na host at singer. At ngayong sumabak na rin siya sa pagiging filmmaker, ipinagdarasal niya na sana’y maraming Pinoy ang makapanood ng kanilang pelikula na aniya’y perfect sa buong pamilya.

Sa tanong kung ito na ba talaga ang tamang panahon para magdirek siya ng movie? “Feeling ko tama lang. Isa pa yan sa mga inaasahan ko na dahil sa inip nung iba mae-excite panoorin ito (Family History), yung pagbabalik ko sa big screen, hopefully.

“Hindi ko sinasabi yun talaga yung mentalidad nung ibang tao, pero hopefully yung naniniwala sa akin, yung mga sumuporta noon. Hopefully, makuha ko uli yung suporta nila ngayon,” lahad pa ni Bitoy.

In fairness, maraming manonood ang na-curious sa tema ng kuwento ng “Family History” kaya talagang panonoorin daw nila ito sa sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang family drama ng taon sa July 24 nationwide. Makakatambal dito ni Michael V si Dawn Zulueta with Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Paolo Contis, Ina Feleo at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending