Bianca ‘beast mode’ na, inupakan si Snooky | Bandera

Bianca ‘beast mode’ na, inupakan si Snooky

Bandera |July 10,2019
facebook
share this

Bianca ‘beast mode’ na, inupakan si Snooky

Bandera - July 10, 2019 - 12:30 AM

SNOOKY SERNA AT BIANCA UMALI

Siguradong magpipiyesta ang fans and social media supporters ni Bianca Umali kapag napanood na nila ang mga susunod na episode ng GMA Telebabad series na Sahaya.

Sa latest trailer kasi ng serye, ipinakita na ang paglaban ni Sahaya (Bianca) kay Salida (Snooky Serna).

Sumugod kasi si Salida sa ospital kung saan naka-confine ang nanay ni Sahaya na si Manisan (Mylene Dizon). Nalaman kasi nito na nagkamalay na ang nanay ni Sahaya.

At nang magkrus nga ang landas nila ni Sahaya, hindi na nakapagpigil ang dalaga sa kasamaan ni Salida kaya lumaban na ito nang sabunutan, sampalan at sapakan. Pero ang nakakatuwa rito, kahit na galit na galit na si Sahaya ay napaka-cool pa rin nitong magsalita na mas lalong ikinaaliw ng mga netizens. Narito ang ilang komento ng mga fans ni Bianca.

“Ayan na! Talagang ginalit n’yo na nang bonggang-bongga si Sahaya! Patay kayo ngayon. Simula na ng beast mode ni Bianca! Yahooo!”

Chika naman ng isang netizen, “Sige Sahaya! Patayin mo na yang si Snooky, tapos isunod mo agad si Ana Roces (gumaganap na Irene).”

Ang isa pa sa inaabangan ngayon ng loyal viewers ng serye ay ang mga susunod na eksena ni Mylene bilang nanay ni Sahaya. Nagkamalay na kasi ito kaya siguradong magsasanib-pwersa na sila ng anak para pabagsakin ang lahat ng mga taong umapi sa kanilang pamilya.

Patuloy na tutukan ang Sahaya sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending