Nanay ng na-evict na PBB Otso housemate nag-sorry kay Melai | Bandera

Nanay ng na-evict na PBB Otso housemate nag-sorry kay Melai

Bandera |July 10,2019
facebook
share this

Nanay ng na-evict na PBB Otso housemate nag-sorry kay Melai

Bandera - July 10, 2019 - 12:20 AM

MELAI CANTIVEROS

Nag-sorry na ang nanay ng na-evict na Pinoy Big Brother Otso housemate na si Diana Mackey tungkol sa pambabastos umano na ginawa niya kay Melai Cantiveros.

Ayon kay Melai, personal na humingi ng paumanhin sa kanya si Rowena Cariaga, nanay ni Diana matapos mag-viral sa social media ang video clip ng interview ni Melai sa kanya last Saturday nang mapalayas na nga sa Bahay ni Kuya ang kanyang anak.

Nagreklamo kasi ang mga netizens at supporters ni Melai dahil sa inasal ng ina ni Diana during the interview. Kitang-kita kasi sa screen kung paano niya itinulak ang TV host-comedian at ang pagsimangot nito nang ma-evict si Diana.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Melai ang screenshot ng message ni Gng. Rowena na humihingi ng tawad sa kanya.

“Good day po, salamat po sa lahat ng sumuporta sa anak ko na si Diana Mackey. At kay Ms. Melai gusto kong mag-apologize di ko naman intention na matabig siya dahil para sa akin biro lang at di ko sinasadya yun [sic],” ang mensahe ni Rowena kay Melai.

Sinagot daw ito ni Melai at sinabing naiintindihan niya si Rowena, “Ako na nagsasabi na di nmn ako nasaktan at naintindihan ko ang pinagdadaanan ng Mama ni Diana, kaya wag na kayu mabahala kasi kahit ako dn alam ko na di para sa akin ang emusyun ni Mami kundi sa sitwasyun at mix emotion na si Mami.

“Natawa cya, nalungkot, nafrustrate, na normal na mararamdaman ng nanay pag hirapan o nasasaktan ang anak. Kasi mga parehas naman kaming Momshie,” ani Melai.

Ayon pa kay Melai, nagkausap pa sila ng nanay ni Diana matapos ang PBB interview na ‘yun, “At PS after ng interview nagHug pa kmi ni Mami kasi kinomfort ko cya na dtu talaga sa outside world ang totoong laban. Wag na natin ijudge si Mami at magmahalan nlang tayu.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending