Beauty gustong makatrabaho si John Lloyd: Tumabi ka Ellen! | Bandera

Beauty gustong makatrabaho si John Lloyd: Tumabi ka Ellen!

Julie Bonifacio |July 09,2019
facebook
share this

Beauty gustong makatrabaho si John Lloyd: Tumabi ka Ellen!

Julie Bonifacio - July 09, 2019 - 01:10 AM

BEAUTY GONZALEZ

Labis ang pasasalamat ni Beauty Gonzalez sa success ng Kapamilya Gold teleserye nilang Kadenang Ginto.

“Thank you talaga sa lahat ng viewers kasi sa totoo lang maraming pangarap namin ang natutupad lalo na ng Gold Squad. ‘Yung mga pangarap nila tinulungan ng viewers na matupad. So, pati mga pangarap ko. Kaya thank you talaga,” pahayag ni Beauty.

Natuwa rin siya sa ginawa ng isa sa member ng Gold Squad at “baby” niya sa Kadenang Ginto na si Francine Diaz tungkol sa pagtulong ng Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros sa pamilya niya para hindi sila mapalayas sa inuupahan nilang bahay.

“Napaka-humble niya na para sabihin ‘yun. And I’m proud of her kasi hindi siya nahiya. Kasi kung proud ka kung saan ka nanggaling, malayo ang mararating mo. Pero kung mahihiya kang sabihin kung saan ka nanggaling, hanggang Malate na lang ang mararating mo, ganoon,” sabi ni Beauty.

Pinasalamatan din niya ang matalik niyang kaibigan na si Ellen Adarna na very supportive sa career niya especially sa Kadenang Ginto.

Tinanong namin si Beauty kung ‘di ba naiinggit sa kanya si Ellen dahil napakaganda pa rin ng kanyang showbiz career.

“She’s happy right now and wherever she’s happy I’m also happy. At saka wala naman siyang sinasabi na gusto niyang magbalik sa showbiz,” aniya.

Isa rin si Beauty sa mga natuwa sa pagbabalik showbiz ni John Lloyd Cruz, “Yes! I’m a fan of John Lloyd.

If he is back I’ll be one of his girl na, ‘pwedeng ako na lang?’ (pamosong linya ni Bea Alonzo sa movie nila ni John Lloyd).’” Say pa niya, “Pwede ako na lang? Tumabi ka Ellen! Ha-hahaha! Ay, hala! Lagot tayo kay Norman (hubby niya).”

Alam naman daw ni Ellen na gusto niyang makatambal si John Lloydie either sa TV or sa pelikula, “Yeah, we’re friends. We’re family,” lahad pa ni Beauty.

Mula nang umere ang Kadenang Ginto noong Oktubre, 2018, hindi na binitiwan ng manonood ang kuwento ng pamilya Mondragon na talagang nagpapanit sa hapon ng mga manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na tutukan ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN dahil marami pang mga eksena sina Beauty at Dimples na ikagugulat n’yo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending