Anak ni Erap kumontra sa paandar ni Isko sa Maynila | Bandera

Anak ni Erap kumontra sa paandar ni Isko sa Maynila

Cristy Fermin - July 09, 2019 - 12:45 AM

JERIKA EJERCITO AT ISKO MORENO

Si Jerika Ejercito ang panganay na anak nina dating Pangulong Erap Estrada at Laarni Enriquez. Dati siyang karelasyon ni Bernard Palanca pero may iba nang karelasyon ngayon.

Kumandidato siyang konsehal sa ikaapat na distrito ng Maynila nu’ng nakaraang eleksiyon pero sabay silang natalo ng kanyang amang mayor ng siyudad.

Si Mayor Isko Moreno na ang nakaupo ngayon sa dating puwesto ng kanyang ama, ang bagong mayor na nakakadalawang araw pa lang ay nagpakitang-gilas na agad sa paglilinis ng mga kalye sa Maynila na pinamumugaran ng mga illegal vendors, na kinukuwestiyon ngayon ni Jerika Ejercito.

Maganda naman ang kanyang layunin sa paglalabas ng kanyang mga sentimyento, oo nga’t malinis na ngayon ang mga abalang kalye sa Maynila na dating pinupuwestuhan ng mga vendors ay paano naman daw ang kanilang kumakalam na sikmura dahil sa pagpapaalis sa kanila?

Saan daw kukuha ng ikabubuhay ang mga tindero at tindera, paano na raw ang kapakanan ng kanilang mga pamilya na umaasa lang sa araw-araw na benta ng mga ito sa mga kalye at bangketa ng Maynila, paano raw sila mabubuhay?

Maganda sa unang pandinig ang mga opinyon ni Jerika, makatao ang kanyang pananaw, kaya nga lang ay taliwas sa usaping tama at legal.

May lugar namang ibinigay ang bagong mayor ng Maynila para sa mga vendors, may oras ‘yun, saka pinakiusapan silang magbigay ng daan para sa mga motorista at mananakay.

Madaling maawa, magandang katangian ‘yun, pero ang mali ay mali at ang tama ay tama. Kailangan sumunod ang mga vendors sa wastong paghahanapbuhay.

Ang kalye ay para sa mga sasakyan, ang bangketa ay daanan ng tao, kaya hindi puwedeng sakupin ng mga illegal vendors.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending