Big Brother mas pahihirapan pa ang PBB Otso housemates para sa titulong ‘Big Winner’ | Bandera

Big Brother mas pahihirapan pa ang PBB Otso housemates para sa titulong ‘Big Winner’

Bandera |July 09,2019
facebook
share this

Big Brother mas pahihirapan pa ang PBB Otso housemates para sa titulong ‘Big Winner’

Bandera - July 09, 2019 - 12:35 AM

KARINA BAUTISTA AT FUMIYA SANKAI

Umpisa na ng mas mainit na labanan sa PBB Otso ngayong isa-isa nang magbabalik sa bahay ni Kuya ang Big 4 ng bawa’t batch para maglaban-laban at hiranging ultimate Big Winner.

Una nagbalik sa PBB house noong Linggo sina Karina Bautista ng Teen Batch 1 at Fumiya Sankai ng Adult Batch 2 na mainit na sinalubong nga kanilang fans.

Agad din silang sumalang sa isang task kung saan nagsilbing human roulette si Fumiya at kinakailangang matamaan ni Karina ang mga marking na magdidikta sa kanilang magiging pagkain.

Bukod naman sa pagbabalik-bahay ng Big 4 ng bawat batch, dapat ding abangan kung sino nga ba ang ibinoto ng taong bayan na big winner ng bawat batch at paano nga ba nito mababago ang takbo ng laban ng housemates.

Samantala, kinumpleto nina Kiara Takashi at Argel Saycon ang listahan ng Batch 4 Big 4 matapos makakuha ang dalawa ng pinakamataas na boto mula sa taong bayan.

Una naman nang nakapasok sa pinag-aagawang pwesto sina Akie Poblete at Wealand Ferrer nang mapagtagumpayan nila ang Big Jump challenges ni Kuya.

Sino nga kaya ang magtatagumpay at hihiranging ultimate big winner?

Panoorin ang PBB Otso, gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang PBB Otso Gold sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Los Bastardos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending