Presyo ng petrolyo, may dagdag-bawas | Bandera

Presyo ng petrolyo, may dagdag-bawas

Liza Soriano - July 08, 2019 - 07:04 PM

MAGPAPATUPAD ngayong araw ng dagdag-bawas sa presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Epektibo alas-6 ng umaga ay ipatutupad ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at Petron Corp. ang 25 sentimo na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at tapyas-presyo na 40 sentimo sa diesel at 35 sentimo sa kerosene.

Unang nag-anunsyo ng bawas sa presyo ang Phoenix Petroleum, na nagbaba ng 40 sentimo kada litro sa diesel epektibo noong Sabado ng tanghali.

Inaasahan na susunod na rin ang iba pang mga kumpanya ng langis kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ayon sa Department of Energy, ang nasabing paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng panibagong presyuhan sa pandaigdigang merkado dahil sa planong pagbabawas ng produksyon ng mga oil exporting countries sa kanilang crude oil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending